CHAPTER 3
"BAKIT MO GINAWA YUN!? BAKIT!?"
CHIARRA's POV
"Ang tagal naman nung babaeng yun! sabi ko bumalik agad eh."
Kanina ko pa hinihintay na bumalik si Zyra dahil malapit ng matapos ang concert. kanina pa ako tingin ng tingin sa screen ng cellphone ko dahil hinihintay ko ang reply niya. Naka ilang text at tawag na ako dahil nag-aalala na'ko sakanya.
"Okay everyone! This is the last part of the concert, im pretty sure that you all know about it... Are you ready?" Anunsiyo ni Aries ang leader ng banda.
Dahil tapos na nilang kantahin ang huling song nila at ito na ang pinaka-hihintay ng mga fans na parte ng concert.
"Are you readyyyyy!??" Tanong niya sabay tapat ng microphone sa crowd.
"READYYYY!" Tugon naman ng fans sakanya.
"Eh text ko na nga lang siya mamaya.. sana naman walang masamang nangyari sakanya.. nakoooo! Lagot talaga ako sa kuya niya at malalagot talaga siya sakin mamaya.. hayyys" binalik ko ang cellphone sa bag ko.
Nag-umpisa ng mag ingay ang mga fans at kanya-kanyang bulungan at hula sa magiging pakulo nila.
"Freee Kissss galing kay Drazel!"
"HUGGGGG from Clyd!"
"A Dattttteee! Woooaahhh!"
"24 HOURS mag-JOWA"
"We Love you TPB!"
At iba't iba pang mga suhesiyon mula sa Fans ang kanya-kanya nilang sinisigaw.
"Whoooaa! Relax everyone..Eto na! kanina nung bago kayo pumasok dito sa loob ay may raffle coupon na binigay sainyo, right? at hinulog niyo sa box. Now, this time ang bubunot sa mahiwagang box ay walang iba kundi si ....." Pambibitin na anunsiyo niya habang hinihintay na mailabas ang box sa stage kung saan nakalagay ang lahat ng coupons.
"Walang iba kundi....ang drummer ng aming banda! Sino pa ba? walang iba kundi ang nag-iisang.. Clyd."
Mas lalong nag-ingay ang crowd lalo na ang mga fans ni clyd at shempre isa na ako dun. Tinutukso na rin si clyd ngayon sa stage ng mga kabanda niya.
"Nakakalungkot mang sabihin pero... Ito na ang huling concert namin... kaya naman espesyal ang ating reward ngayon at yun ay.." pang-bibitin niya ulit kaya nagkaruon ng samo't saring bulong-bulongan at mahahalata ang lungkot sa reaksyon ng mga fans.
"Totoo pala yung chika no.. na last concert na nila to.. Sayang Naman.." rinig kong usapan ng nasa gilid ko kasunod ng upuan ni zyra.
"siya lang naman ang maswerting makaka-DATE ni Clyd for ONE WHOLE DAY." dagdag pa ni aries.
"OmyGhassshhh! Waaaahhhh!" Hindi ko napigilan ang mapatili. Agad kong Pinagsalikop ang dalawang kamay ko at napapikit dahil sa anunsiyo.
"Kahit ito nalang po ang advance gift ko sa birthday ko alam ko pong malayo pa pero sana po matupad. At magpapakabait na po talaga ako babawasan ko na po ang mga kalokohan ko." Paghiling ko na sana ay magkatotoo.
Nasa Stage na ngayon ang hindi lang basta-bastang Box kundi isang babasagin na black Box na may lamang mga raffle coupons ng mga nanuod sa concert.
"So, Clyde bumunot kana sa mahiwagang Box at sabihin mo na ang maswerteng mananalo." Sabi ni Rowell ng may nakakalokong ngiti.
BINABASA MO ANG
Realistic Dream of Mine (BOOK 1)
FanfictionMay mga panaginip tayong gusto nating kalimutan Lalo na kung bangungot ito para satin. At magandang panaginip na gugustuhin na lamang nating magkatotoo at mangyari. Pero, pano kung ang taong matagal mo ng gusto ang siyang napanaginipan mo? at ang p...