CHAPTER 2
"Alam na kaya niya!?"
ZYRA's POV
"WOOOHH! I LOVE YOU JAZE ARAGON!"
"WAAAHHH ANG GWAPO MO TALAGA ROWELL!"
"ASAWA KO CLYD! ILOVEYOU." Sigaw rin ng bestfriend ko.
"DRAZEL ANG HOT MO!"
"WE LOVE YOU TPB!" sigaw rin ng isang grupo sa may bandang likuran ko.
Hindi magkanda mayaw na hiyawan at kanya-kanyang suporta sa iniidolo nila mula sa fans ang bumalot na ingay sa buong araneta.
Mas naging hysterical ang crowd nang simulan na ni Drazel ang pagtipa ng piano na siyang pianist ng banda.
At tumahimik naman kalaunan ng mag-gitara at kumanta na rin si Aries habang nakapikit ang mga mata na siyang lead vocalist.
"Whoooo...oohhh....I know when he's been on your mind
That distant look is in your eyes
I thought with time you'd realize
It's over, over" nagtiliin ang iba ng kantahin niya ang panimulang liriko ng kanta.Nakakapanindig balahibo ang pamamaraan niya ng pagkanta. Kakaiba ang timbre ng boses niya. Buong puso siya kung umawit ng may emosiyon at animo'y pinapahiwatig sa mga nakikinig ang bawat kahulugan ng mga salita.
"It's not the way I choose to live
But something somewhere's gotta give
As sharing this relationship
Gets older, older"Nang dumilat siya ay nagulat ako dahil sa mismong direksiyon ko siya naka tingin.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o talagang ngumiti siya sa akin. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at umiwas ng tingin.
Hindi na ako mapakali kaya naman umupo nalang ako. Dito kasi sa harap ay mas nakikita ang mga tao dahil sa ilaw na nanggagaling mismo sa stage.
"Omyghad! Nakatingin siya sayo Zy..ayiiieehh!" nagulat ako sa biglang pagyugyug ng balikat ko ni chiarra habang nakatayo siya at animo'y kinikilig sa nasaksihan niya.
Hindi ko Siya pinansin at nakinig nalang ulit sa kanta habang nakayuko at Pasimple Kong tumingin sa stage.
Sunod namang kumanta ang second vocalist at bass guitar na si Rowell.
"You know I'd fight for you
But how could I fight someone who isn't even there""I've had the rest of you
Now I want the best of you
I don't care if that's not fair"Ang lamig ng boses niya at mahihimigan ang emosiyon na animo'y nasasaktan at may pinaghuhugutan sa bawat pagkanta.Tulad ni Aries ay nakatingin rin siya sa direksiyon ko.
At nung Chorus na ay tumugtog na rin ang huling miyembro ng banda ang drummer na si Clyd.
Nakisabay na rin sa pagkanta ang crowd habang malumanay na winawagayway ang kanilang mga kamay.
"'Cause I want it all
Or nothing at all
There's nowhere left to fall
When you reach the bottom it's now or never
Is it all
Or are we just friends
Is this how it ends
With a simple telephone call
You leave me here ...with nothing at all"Pagkatapos ng chorus ay si drazel naman ang kumanta sa susunod na stanza ng kanta, bukod kasi sa pag-tipa ng piano ay marunong rin siyang kumanta.
"There are times it seems to me
I'm sharing you with memories
I feel it in my heart
But I don't show it, show it"
BINABASA MO ANG
Realistic Dream of Mine (BOOK 1)
Fiksi PenggemarMay mga panaginip tayong gusto nating kalimutan Lalo na kung bangungot ito para satin. At magandang panaginip na gugustuhin na lamang nating magkatotoo at mangyari. Pero, pano kung ang taong matagal mo ng gusto ang siyang napanaginipan mo? at ang p...