Chapter 1

79 1 0
                                    

CHAPTER 1    

                           "AS IN DITO TAYO!?"

ZYRA's POV

"ZYRA GUEN CRUZADA! ano ba!? wake up! Wake up! Tumayo kana nga dyan.. ayaw kong ma-late tayo, I already gave you 5 more minutes it's time to wake-up!" maarte at naiinis na litanya ng bestfriend kong si Chiarra.

Pangatlong balik na niya sa kwarto ko para mang-gising. Nakakarindi ang ingay ng boses niya, nagtakip ako ng kumot.

"Inaantok pa ako eh!" Reklamo ko habang nakikipag agawan sa kumot na pilit niyang tinatanggal.

Kaninang umaga din ay maaga siyang nang-gising para magsimba at mag-shopping. Pag-kauwi namin ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko para matulog dahil sa pagod.

"ah..ayaw mo ha? Saglit kukuha ako ng malamig na malamig na tubig!" pagkarinig ko sa sinabi niya kaagad akong napabalikwas ng bangon sa kama at hinawakan kaagad ang kaliwang kamay niya para pigilan siya sa paghakbang paalis.

Dahil alam kong pag sinabi niya ay gagawin niya talaga. Minsan na niya akong binuhusan ng tubig sa mismong mukha ko ng ayaw kong bumangon.

"Oo na! eto na nga eh, nakabangon na! Ano ba kasi yun?" tanong ko habang humihikab.

Binitiwan ko ang kamay niya at nag-unat ng katawan para matanggal ang antok ko.

"so, nakalimutan mo'na?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya habang nakapamaywang.

"ang alin ba? Ba't di mo nalang kasi sabihin di'ba?" Inaantok pang sagot ko.

"ANG CONCERT NG TRAPEZOID PEDLESTONE BAND!" May pang-gigigil na litanya niya at pinanlakihan pa ako nang singkit niyang mata.

Natigilan at napatitig ako sakanya ng ilang segundo "ngayon ba yun?" pagkumpirma ko pa sa sinabi niya.

"Oo, kaya nga tayo nag-shopping kanina di'ba?" sabay lagay ng tuwalya sa balikat ko, di'ko man lang napansin na may dala pala siyang tuwalya.

"Kaya maligo kana." at ginayak ako paloob sa banyo.

"bilisan mo ha! at aayusan pa kita." pahabol na sabi niya pa bago tuluyang isara ang pinto ng banyo ko.

Sa iisang bahay lang kami nakatira ni chiarra. Our parents were the one who bought it. My dad and her dad they are bestfriend since elementary just like us.

Pagkatapos maligo ay kinuha ko ang bathrobe at sinuot, pati na rin ang tuwalya para ipulupot sa basa kong buhok.

Pagkalabas ng banyo ay naabutan ko si chiarra na inihahanda ang mga make-up na kakailanganin niya, naka-ayos na siya pero hindi pa naka-bihis pang-alis.

Nang mapansin niya ang presensiya ko ay sinenyasan niya akong maupo sa upuan na nasa harapan ng salamin.

Habang pinapatuyo niya ang buhok ko gamit ang blower ay bigla siyang nag-tanong.

"sa tingin mo, ano nanaman kayang inihandang pakulo ngayon sa concert nila?"

Every concert kasi ng Trapezoid Pendlestone Band (TPB) ay may surpresa silang inihahanda na isa sa pinaka inaabangan ng mga Fans. Noong nakaraang concert nila ay may libreng halik sa pisngi mula sa pianist na si drazel. Yun nga lang ay lalake ang napili kaya imbes na halik, ay picture at shakehands nalang ang nangyari.

"Malay ko hindi naman ako kasali sa nag-organize ng concert Nila para malaman ko." Pilosopong sagot ko sakanya.

Bigla niyang hininto ang pag-blo-blower sa buhok ko at Binatukan ako ng mahina sa ulo dahil sa sagot ko.

Realistic Dream of  Mine (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon