Queen, Until Forever

484 20 61
                                    


Queen, Until Forever

By BinibiningMiaka

(for Ate Jonah, my all time favorite writer who inspires a lot of people at isa na ako do'n)

Jonaxx.

One word.Two syllables.Six letters.Two vowels.Four consonant letters.

Pagnarinig mo pa lang, lilingon ka agad na parang ikaw yung tinawag. Pangalan pa lang, marami na ang sasagi sa isipan mo. KYAAAAAAH! ELIJAH, BABY! ROZEN, BABE! AZI, MY LOVES! BRANDON, SWEETHEART! NO-AH! NOAAAAH! JACOB! HECTOR! KLAREY! WAAADE! REINA! COREEN! At marami pang iba.



Napagkakamalang lalaki, pero babae po siya dahil sa username! HAHA!


SOBRANG GANDA. Sa sobrang ganda niya, umaabot na sa puntong natatanong mo na ang sarili mong, "babae pa ba ako?" sa tuwing nakikita mo ang mga post niya sa Instagram. As in. GRABE. Pwede ng maging pambato si Ate Jonah sa Binibining Pilipinas dahil sa taglay niyang ganda! Beauty and brains si Ate Jonah, diba?


SOBRANG GANDA ng mga covers ng stories niya. At siyempre, lalong-lalo na ang kanyang mga KUWENTO. Bawat istorya ay kapupulutan ng aral, tungkol sa buhay at lalong-lalo na pagdating sa "pag-ibig." Bawat kuwento niya ay TALAGANG PINAGHUHUGUTAN. Feel na feel niya talaga. Kaya sa tuwing nababasa ko mga gawa niya, pakiramdam ko tuloy nasa loob na ako ng kuwento. Kasama ko na sina Elijah, Azi at Josiah! Hindi basta-basta ang mga kuwento niya na, "yan lang." Hindi. May mga pasabog si Ate Jonah! Gusto niyang pinapaiyak ang kanyang mga readers sa bawat nakakaantig na scenes ng Klarijah. Hindi lang sa Until Trilogy, kundi sa iba pa. Yung mga linya ni Elijah na tagos to the bones and heart ang kilig. Yung tipong, you want MORE, you want more of them.




Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa pagsusulat ni Ate Jonah,



UNA: Siya yung tipo ng manunulat na HINDI SPOON-FEEDING. Hindi niya basta-basta isinusubo sa atin ang lahat-lahat. Hindi niya isinusubo ang lahatng mga scenes, ang mga dahilan kung bakit ganiyan ang nangyari, kung ano ang rason kung bakit iyon nangyari. Hinahayaan niya tayong malaman ang isang partikular na bagay. Nag iiwan din siya ng mga "mysteries." Yun bang mga katanungan na nabubuo sa ating isipan na hindi pa nasasagot sa kuwento. Gaya na lang nung pinagusapan ni Hector at Knoxx sa End This War. Ano nga ba iyon? Ano kaya ang dahilan kung bakit pinalabas pa ang video nina Elijah at Selena na naghahalikan no'ng sila pa, kung hindi rin naman pala iyon recent.

Lagi ba kayong nagtataka tuwing nagbubulungan ang close na magpinsan na ito? Azi at Elijah?Lagi silang nagtatawanan pagkatapos magbulungan.Diba nakakacurious?

Azi at Ej, pwede share naman diyan? J :D


At marami pang iba. Nakaka excite lang malaman ang mga kasagutan diba?




PANGALAWA, pinopromote niya ang sarili niyang kinabibilangan na lugar, Mindanao. Particularly, Cagayan de Oro. Matagal ko ng alam ang Cagayan de Oro pero hindi pa ako nakakapunta doon. Wala naman kasi akong naiisip na magandang lugar na pasyalan doon, kasi mostly ang mga sikat na pasyalan na alam ko ay nasa Luzon at iilan sa mga Visayas (Boracay at Chocolate Hills), NOON 'YON. Nang mabasa ko ang UNTIL TRILOGY, grabe. Idinagdag ko na sa mga pangarap ko ang pagpunta sa CDO! Doon sa Dahilayan Forest Park, Samal Island, yung infinity pool na pinuntahan ng Klarijah, nakalimutan ko lang ang pangalan. Haha! and many more. At saka dun sa Amanpulo na ngayon ko lang nalaman nang mabasa ko ang Worthless. I searched it in the Google at nalaglag ang panga ko nang makita kung gaano KAGANDA AT ANG MAHAL MAHAL PALA do'n. Gusto ko sanang pumunta kaso ang mahal talaga e.

Queen, Until ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon