NOONG unang panahon, may isang babae na sinasabing siya ang namumuno sa iba't ibang uri ng pag-ibig. Tawagin na natin siyang si Pag-ibig. Siya ay ang nagpapares sa mga tao na nasa daigdig. Isang araw may nakilala siyang lalaki na sinisisi siya sa kadahilanang hindi siya ang pinili ng babaeng iniibig, sapagkat, ayon sa kaniyang desisyon ay iba ang makakatuluyan ng babae.
"Hindi ko matatanggap na hindi ako ang inibig niya! Binigay ko ang lahat-lahat para sa kaniya!" galit na sigaw ng lalaki sa templo ni Pag-ibig.
"Hindi ko kasalanan na hindi ikaw ang pinili, sumusunod lang ako sa hatol ng mas nakatataas sa akin at sa sigaw ng damdamin niyong mga tao!" ganti ni Pag-ibig. "Lapastangan ka sa kaharian ko. Walang karapatan ang taong tulad mo na sigawan ang tulad ko!" Kasabay ng malakas na sigaw ni Pag-ibig ay ang malakas na kulog at kidlat.
"Kung mamamatay ako. Isasama ko sa libingan ang isang kahilingan. Isinusumpa ko, habang tumatagal ay hindi ka kikilalanin ng lahat. Habang tumatagal..." saglit na huminto ang lalaki para habulin ang kaniyang hininga, "Kukupas ang pagmamahal, maglalaho kasabay ng kanilang pagtanda. Mawawalan ka na ng kapangyarihan. Magdudusa ka!"
Kinagulat ni Pag-ibig ang sinabi ng lalaki. Habang lumalakas ang mga kulog at kidlat ay sumabay ang ulan. Lumisan na ang lalaki habang tuliro si Pag-ibig sa isinumpa ng lalaki sa kaniya. Hanggang lumipas ang isang lingo at nabalitaan ni Pag-ibig na namatay ang lalaking sumugod sa kaniyang templo. Sa takot, pinaghiwalay-hiwalay ni Pag-ibig ang kaniyang uri at tinago niya ang sarili sa isang libro.
KASULUKUYAN isang bata ang isinilang ng dalawang mortal na taong hindi nagmamamahalan. Siya si Maria Love Catherine Ai-Subardo. At siya ang magbibigay ng iba't ibang kahulugan ng love. Humanda ka, baka inlove ka na.
BINABASA MO ANG
What nga ba is Pag-ibig?
RomanceShe is Maria Love Catherine Ai-Subardo a.k.a Love. And ano nga ba ang misyon niya sa mundo? Here is another comeback novel of LadyBugWithoutWings an awaiting compiled stories of ano nga ba ang pag-ibig?