"WHAT is love?" tanong ni Mrs. Albania. Kasabay ng paghinto nito ng pagsusulat sa board. Bwisit na bwisit pa ako sa diin nito magsulat gamit ang chalk. By the way, the question is from our topic of Personal Development that states the different type of love.
May iba't iba palang uri ang love?
"Ma'am!" taas ng kamay ni Aeron.
"Yes, Mr. Valse?"
Tumayo si Aeron, at mula sa tuksuhan nila ng mga kaibigan niya ay alam ko na walang kabuluhan ang sasabihin nito.
"Ma'am, si MLC po," sagot nito habang pinipigilan bumungisngis. Lahat naman ng kaklase ko ay napatawa. Who is MLC? It's me. At ako lang naman ang paborito ng mga ito pagtripan.
"Not funny Mr. Valse," saad ni ma'am at biglang tumahimik ang lahat. "By the way, Ms. Subardo, maybe you can share,"
Walang gana akong umiling, "No, ma'am, I don't know what is love," sagot ko.
Narinig ko naman ang bulong ng mga kaklase ko na, 'duh it is your second name.' And yes it is maybe in my name but never ko iyon naintidihan.
Hi, I'm Maria Love Catherine Ai-Subardo. It is true that my name is so weird. Everyone can call me Cath or MLC pero huwag sa aking second name. I have to many reason kung bakit ayaw ko and one is -
"How about family love? Everyone sure have that kind of love." Hindi lahat ma'am. "You know kids, marami pa kayong kailangan malaman sa mundo. And I know at this age niyo ay mayroon na rin kayong lovelife or crushes. That is also a type of love." Pagkasabi ni ma'am no'n ay maraming babae ang bumungisngis at kinilig. Oh goodness. Napaub-ob na lang ako. I don't care kung ano ang paguusapan nila because this topic is so senseless. This is like going out nowhere. Matutulungan ba ng Pag-ibig na yan kung magiging architect ako?
"But this one thing kids, ang Pag-ibig 'di yan nagmamadali. Kusa iyang dumadating. There is love na permanently in you, like, Pag-ibig mo sa magulang mo, the love of God and your love to your career and goal. Those are wonderful type of love. At habang lumalaki kayo, marami pang dadating sa buhay niyo." Ma'am look so inspired when she say those sentence. And that made me realize something. Napatunghay ako at biglang nagging interesado sa topic na iyon.
"Ma'am, how about you po? Nagmahal na po ba kayo?" Shane ask.
"Oo naman. And we are married. Kapag nakilala niyo ang 'the one' niyo. Iba ang mararamdaman niyo at makikita niyo ang future niyo na kasama siya. No matter what."
Wow. "How about po kung ayaw niyo po magmahal?" out-of-nowhere kong natanong.
"That is a different question Ms. Subardo. But for me, ikaw lang makakasagot niyan. Ano ba naiisip mong sagot?"
Napakunot ang aking noo. Actually, hindi ko alam. I don't experience love from my family or love from a friend. I still don't have a fixed dream job and I don't care. "I don't know ma'am" sagot ko.
"For now, laging magiging sagot niyo ay 'I don't know' but I guarantee everyone of you that one day you will find the appropriate answer." Nagpalakpakan naman ang lahat dahil sa sinabi ni ma'am. Kahit ako ay na-amaze din sa sagot niya kahit hindi ko pa rin gaano naiintindihan. Sana dumating na ang araw na iyon.
"NAKAUWI na ako," sabi ko sabay tanggal ko ng aking sapatos. Nasa pinto pa lang ako ay uminit na agd ang aking ulo.
"Ano ba Eric! Umuwi ka na namang lasing." rinig niyang sigaw ng mama niya mula sa kusina.
"Ano bang pake mo Ellisa? Ikaw nga lagi mong kasama ang mga kaibigan mo. Wala ka naman napapala."
"Business iyon Eric. Ako na nga lang mag-isa ang nagmamanage ng ating shop, ano bang ambag mo?"
Mabilis ko na lang tinapos ang aking ginagawa para makaakyat na ako sa aking kwarto. Nadaan ko ang kusina at sumilip lang ng kaunti. Kitang-kita ko na naman kung paano sila mag-away. They're not growing. Para pa rin silang mga bata. Lagi ko sinasabi na sanay na ako. I'm 18 years old now at bata pa lang ako ganito na rin ang laging scenario.
"Ma'am Cath, nakauwi na po pala kayo," bungad ni Steph sa akin, katulong namin.
"Yes, buti pa nga nakakauwi pa. I feel like hindi na kailangan e," sagot ko.
Ngumiti naman siya, " Huwag po kayo ganiyan ma'am. Alam ko po na may dahilan ang lahat ng nangyayari sa ating buhay." ani niya. Tumango na lang ako at pumasok sa kwarto ko. It is so weird lang na ibang tao pa ang kailangan dumamay sa iyo which dapat naman ay mismong kadugo mo.
"Ma'am?" tawag sa'kin ni Steph mula sa kabila ng pinto.
"Come in."
Narinig kong bumukas ang pinto ibigsabihin ay pumasok na siya, nakaharap ako sa bintana pero alam ko ay nasa likod ko na siya. "Ma'am, happy birthday po." bulong niya sa akin.
"Thank you Steph, buti ka pa naalala mo." Umupo siya sa aking tabi at may inabot na box.
"Syempre naman ma'am, ang bait mo kaya at napakaganda mo. Kaya dapat ang birthday mo 'di nakakalimutan." Kinuha ko ang inaabot niya sa akin. She is always smiling. One thing na kinatutuwa ko sa kaniya. Steph is only 21 years old at kami rin ang nagpapaaral sa kaniya. She is like my older sister since only child lang ako but she don't want to be called ate or ituring na kaano-ano since katulong lang daw talaga siya.
"How's the school? College ka na. You should be busy and focus on your study."
"I'm fine ma'am, still moving forward. And 'di naman gaano busy since tinatapos ko na lahat agad. Kaya ko pa rin po magtrabaho."
Napangiti ako, "Buti ka pa. You're doing all of this for your loving parents." malungkot kong saad.
"Ma'am, gaano man po kahirap o kaginhawa ang buhay ay pareho lang po iyon. Masasaktan tayo pero need pa rin maging masaya. All of us have our hidden rainbow in our cloudy or shiny skies."
Sabay naman kaming napatawa. "Saan mo ba nakukuha 'yan? You look so inspired. Don't tell me, may nanliligaw na sa'yo?" pangaasar ko but look like I hit a ball kasi nanahimik si Steph.
"Naman ma'am," ani nito habang kinikilig. Aysus.
"It's a good thing. Pero ingatan pa rin ang puso." paalala ko sa kaniya. Tumayo na siya at nagpaalam kasi marami pa siya tatapusing linisin sa bahay. Binuksan ko na ang kahon na binigay niya sa akin and to my surprise ay libro ang laman nito. The book is so simple. Plain red siya na gawa sa leader. Kulay cream white rin ang kulay ng papel nito.
Oh, ano kaya ito?' tanong ko sa sarili ko saka binuksan ang libro. May frontpage ang book pero ang sunod na pahina ay walang laman. Parang diary. Ano naman ilalaman ko dito? Binuklat-buklat ko pa ang pages hanggang sa pinakahuli. Sa cover ng book sa likod ay may nakasulat.
PAG-IBIG.
"Pag-ibig?" bigkas ko. Nanlaki ang mata ko ng biglang umilaw ang libro. What is happening? tanong ko sa sarili ko hanggang nasilaw ako ng tuluyan at wala na ako nakita.
BINABASA MO ANG
What nga ba is Pag-ibig?
RomanceShe is Maria Love Catherine Ai-Subardo a.k.a Love. And ano nga ba ang misyon niya sa mundo? Here is another comeback novel of LadyBugWithoutWings an awaiting compiled stories of ano nga ba ang pag-ibig?