Ludus

8 0 0
                                    

Ludus is known as the "playful love." However, a better way to describe it is the feeling of infatuation in the early days of romance. If you've been in love before, you know what I'm talking about.

It is the butterflies in your stomach, the giddiness you feel when you see your love walk through the door, and the feeling of never wanting to be without them.

────────────────────────

NAGISING ako dahil sa isang malakas na kalabog na nagmumula sa kabilang kwarto. Maagang bangayan na naman sila.  Napailing na lang ako sa araw-araw na binibigay ng Panginoon ay ito ang aking almusal. Bangayan ng aking magulang. Pero bata pa lang ako ay hindi ko na naranasan na buo ang pamilya sa hapag. Madalas na akong mag-isa at kung tutuusin ay dapat sanay na ako.

Bago ako tumayo ay naalala ko ang book na dahilan siguro kung bakit maaga ako nakatulog. Nakapa ko ang book sa likod ng aking kama. Nang buklatin ko ito ay may nakasulat na sa unang pahina.

Ludus.

Kumunot ang aking noo. Ano kaya ito? Tanong ko sa aking sarili. Bago lumabas ng kwarto ko ay lumapit ako sa laptop ko at sinearch ang ibigsabihin ng Ludus. Nang mabasa ko ang meaning ay lalo kumunot ang noo ko.

Weird.

Sobrang kakaiba ng gising ko. 'Di ko na lang pinansin at agad tumayo sa upuan ko at lumabas na para kumain. Bumungad sa akin si Steph.

"Good morning po ma'am," bungad niya sa akin habang naghahanda ng pagkain.

"Morning," bati ko pabalik at umupo na. "Sabay ka na, maaga pa pasok mo." alok ko. Tumango siya at umupo na rin. "By the way, ano pala iyong book na binigay mo sa akin?" tanong ko sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo at tumingin sa akin, "Nakita ko lang po iyon sa antique shop sa bayan, nagandahan po ako kaya naisip ko ay iyon po i-regalo sa inyo. Bakit ma'am? Ayaw niyo po ba sa binigay ko? Bilhan ko po kayo bago. Sorry ma'am..." Malungkot niyang saad.

"Hindi, hindi a." Napangiwi ako ng kaunti dahil mukhang nasaktan ko ang damdamin niya. Napabuntong hininga ako at saka ngumiti ng maayos, "Maganda naman. tsaka alam mo naman na paborito ko ang mga ganito. Medyo may kakaiba lang nangyari pero siguro dala lang ng pagod ko." Alibi ko.

"Magpahinga rin po kayo ma'am, siya po kayo maaga kayo tatanda," sabay kami napatawa. So far hindi naman ako nakakaramdam ng sobrang pagod sa ibang bagay. Family problem lang ang lagi ko inaalala.

"Ehem." napatigil kami sa pagtawa ni Steph. "No laughing while eating. Huwag kayong bastos." galit na sabi ni papa na nasa likod ko. Tumayo si Steph at nag-bow sa kaniya sabay sorry. Narinig ko ang yabag ng paa niya na nagsimula na maglakad papunta sa kitchen counter. Tumingin siya sa akin na nanglilisik ang mata.

I just ignore him. Wala na ako pake kahit anong takot niya pa sa'kin. "Wala na kong gana. Steph, let's go." Ani ko kay Steph saka tumayo na at umalis.

"P-pero ma'am, kakaunti pa po ang nakakain niyo." Rinig kong habol niya sa akin ngunit nakalabas na ako ng kusina. Paglabas ko ay nakasalubong ko si mama na nasa sala.

"O, anak? Aalis ka na agad?" tanong niya sa'kin. Tumango lang ako at nilagpasan siya. I can see her eyes na nagaalala siya sa'kin but I do not have enough feelings to express to them.

Nakasakay na ko sa kotse ng maalala ko ang libro na binigay sa akin ni Steph. Binuksan ko uli iyon at nakita ko na naroon pa rin ang salitang Ludus. Looks like I am really not dreaming. Ibabalik ko na sana sa loob ng bag ko ng biglang umilaw ang libro at may lumabas na pangalan.

Chapter 1

"Layla Buena and Ron Josh Untalan"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What nga ba is Pag-ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon