'Eto na naman ako, muling tinitingnan ang iyong mga litrato sa facebook,
Precious Natalia Mendez.
Brat. Bully. Attention Seeker. Famewhore. These words are just some of what our schoolmates name you.
Leah Angeles posted on Precious' timeline:
B!tch! Karmahin ka sana! Wala kang kwentang kaibigan! You're so plastic!
Ano na naman 'to? Bagong frenemy? Matunog akong napangiti.
Iba ka talaga Natalia.
"Angelo?" I heard my Mom knocking on the door, "Kakain na anak."
Pinatay ko ang laptop at sumunod na sa dining area. Habang pababa ako ng hagdan ay narinig ko ang news sa TV. Isang babae na naman ang natagpuang patay, bago pa man ako umupo ay tiningnan ko muna ang aking ama na tuwid na nakaupo sa pinaka-sentro nang aming mesa.
"Nakakasawa na ang mga balita ngayon, pati pagkamatay ng mga walang kwentang tao binabalita na." Makahulugang sabi ni Mama. Muli kong nilingon si Papa na hindi pa rin nagagalaw ang pagkain na nasa harapan.
Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na ako kay Mama na may gagawin sa kwarto. Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinimulan ang explosion box na ibibigay ko kay Natalia bukas. Magi-isang buwan ko nang binibigyan si Natalia ng mga regalo, pero hindi niya alam na galing ito sa akin. Napangiti ako ng malapad ng makita ang class picture namin noong Grade6.
"Lalo kang gumaganda araw-araw." Hinalikan ko ang larawan at pinagpatuloy na ang explosion box.
"Angelo, anak." Napalingon agad ako kay Mama sa gulat, "Siya na ba talaga Angelo?" Umupo si Mama at hinaplos ang aking balikat.
I nod as an answer, gumanti naman si Mama ng matamis na ngiti. "Matulog ka na. Ilang araw na lang anak."
Sinunod ko ang sinabi ni Mama, pagkalabas niya ng kwarto ko ay niligpit ko na ang mga gamit ko at humiga na. I hope she's worth it, I really hope so... Pinikit ko na ang aking mga mata.
"Saan ko naman ilalagay 'tong explosion box?" Naiirita kong sabi habang nakatayo sa harap ng locker ni Natalia. "Iwanan mo na lang diyan, malapit na siya. Naririnig ko na boses niya." Sabe ni Lucio na nasa tabi ko. I can see her already walking toward our way. Lumakad na din ako palayo, patay malisya sa ginawa ko.
"Angelo?" Tawag niya, "Angelo, right?" She said once again when I didn't face her immediately.
Nilingon ka na lang siya kahit nahihiya ako para hindi ako matawag na rude.
"Hi. Pupunta ka na rin ba sa room? Sabay na tayo." Hindi pa man ako nakakasagot ay agad na siyang lumapit at kinawit ang kamay niya sa aking braso. I got this strange feeling that the whole zoo is inside my stomach. Bullshit.
Act normal Angelo.
Hangga't sa makarating kami sa room ay pinagpapawisan ako ng malamig. Everyone's eyes are on us, sh*t. I hate attention!
"Sabay tayo mamayang break ha!"
Iniwan niya na ako sa may pintuan, pumunta na siya sa kanyang upuan that's why I did the same.
"Nice one Angelo!" Sinuntok ako ng mahina ni Lucio sa braso. Kasama ko na naman siya, sinamaan ko siya ng tingin. He put his both hands on air as a sign of giving up. Tinuon ko na lang ang aking atensiyon sa guro sa harapan but fvck I'm feeling excited. I want to make time faster, gusto ko ng mag break time.
BINABASA MO ANG
The Precious Immolation (One-Shot)
Mistero / ThrillerMy 16-year-old self enjoyed reading mystery/thriller fiction, so when our Literature professor asked us to create a short story, I knew right away that I wanted to write a mystery story. That's all there is to it; I hope you appreciate reading it as...