Do Kyungsoo
Dim lights
Neon lights
Amoy ng sigarilyo
Droga
At kahit ano pa man.
That's my NIGHT LIFE.
"Kyunggie!" napalingon ako sa pamilyar na boses na tunawag sa akin. Napangiti naman ako kaagad nang marealize ang hubog nito na palapit sa couch na inuupuan ko. "Baekkie, akala ko hindi ka na pupunta," nag-ikot lang siya ng mata sa tumabi sa akin. Kinuha niya ang isang baso ng vodka dun sa table at nilagukan ito. Natawa lang ako sa kanya kasi biglang pumait yung aura niya noong uminom siya. Aish, this gay, sanay naman na kaming maglasing pero bakit ganito parin siya? "Nga pala, nasaan na si Lulu?" tanong niya sa akin at nginuso ko yung direksyon kung nasaan si Luhan. "Oh my deer. Another fling, huh?" Napatawa ako. Ang landi naman kasi ng usang yun. Bet ko, after this long night, iiwanan niya rin yan. Iba kasi ang kamandag ni Luhan eh, MABANGIS. Hinarap ako ni Baek kaya nangunot ang noo ko. "Ikaw Kyung, hindi ka ba maghahanap ng ka-fling?" uminom ulit siya ng isang lagok. Inirapan ko naman ang bakla. "Baek, alam mo namang hindi pa ako nakakamove on kay Wookie, right?" hinawi ko ang bangs na nakaharang sa mata ko. Totoo naman eh, nasaktan din ako. Minahal ko si Wook, pero fling lang ang turing niya sa akin. "Ok ok, fine. Then drink, Kyung! Let's forget about reality, let's enjoy this night!!" sabi niya sa akin sabay abot ng isang bote ng margarita.
Ako si Do Kyungsoo. Ang DYOsang naninirahan dito sa earth at malayang nagpapakasasa sa buhay. Oo, tama ang basa niyo. MALAYA, young, wild and free. Hindi na ako pumapasok sa school. Para saan pa? Mayaman naman na ako, pinamanahan na ako ng daddy ko nung namatay siya. And my mother? Tss. Wala akong pakielam sa kanya. This is my life. Arrogant but fun. Ako ang magpapatunay ng totoong kahulugan ng fun sa mundong toh, including my friends. Baekhyun and Luhan.
"Oh my gosh, lasing na si Luhan," sabi ni Baek sa akin habang nakasabit sa balikat niya ang lasing na lasing na si Luhan. "Tss. Whatever. Let's take him home," tinulungan ko si Baek ay umalis ba kami dun sa Euronight club. Ginamit ko ni Baek ang kotse niya para ihatid si Luhan sa unit niya. Pero ako, naglakad nalang ako. Hindi ko na kayang magdrive, lasing na lasing na din naman ako. Feeling ko ay naglalakad na ako sa jelly, whew. Napatakip ako sa bibig ko nang parang may pumilipit sa sikmura ko. Napatakbo ako sa kabilang side ng kalsada at dun nagsuka. Buti nalang at wala nang masyadong tao dito ngayon. Hindi pa ako nakakaayos nang may biglang magsalita. "You okay?" iniangat ko ang ulo ko at nilingon ito. Matangkad siya kumpara sa akin pero hindi ko maaninag ang mukha niya, hilong-hilo na kasi ako. Imbis na sagutin ko siya ay nilagpasan ko lang siya. "Ako na nga itong nagpapakabait, ang sungit mo pa," rinig kong sabi niya kaya hinarap ko ulit siya. Inirapan ko siya habang naniningkit ang malalaki kong mata, "Ano bang problema mo? Mind your own business, bruh!" sigaw ko pabalik at tuluyan nang naglakad palayo. Dumeretso na ako sa condo at nagelevator na. Maswerte ako kasi walang tao sa elevator ngayon. Tumunog ang elevator at pumunta na ako sa unit ko. Dumeretso ako sa kwarto ko at isinalampak ko ang buong katawan ko doon. Haays, one long night, AGAIN.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
"Opo ma, bakit?" sinagot ko ang phone ko habang nakahawak parin sa ulo ko. Hang over tho :3
"Mag-usap tayo mamaya, pumunta ka dito sa office ko," utos niya sa akin at tumango ako. As if makikita naman niya ang pagtango ko, tss.
"Sige ma. Sige, ibaba ko na ito." Yun lang ang sinabi ko at tuluyan nang naghang up. Aish, my head hurts.
Tumayo ako at nagshower para naman medyo mawala ang pagkahilo ko. Paglabas ng kwarto ko, nagulat ako kung bakit nakabukas ang tv. Naglakad pa ako ng konti at nakita ang isang Baekhyun at Luhan na nakahiga sa couch ko at nakataas ng paa. Nanonood sila ng Pororo. Nanginit nanaman ang ulo ko sa kanilang dalawa. "Bakit nandito kayong dalawang bakla kayo?" sabay silang humarap sa akin at naghair flip. "Binibisita ka!" sabay parin nilang bulyaw. Inirapan ko lang sila at pumasok ulit sa kwarto ko. Oo, gusto ko magkulong dito. Mamaya nalang ako gigising ulit kapag pupunta na ako sa office ni mama.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Posted na ang chapter 1. Haha.
sparkyy_noona

BINABASA MO ANG
perfectly girly [ exo royal otps ]
FanficBe a lady for a whole school year? Nah, I don't like it. But I'm gonna do it just for a deal. kaisoo × chanbaek × selu @incheonniegal ©All Rights Reserved