》two

245 14 4
                                    

Kyungsoo

"What now, mom?" may pagkainis na tono kong tanong kay eomma. Kasi naman, magshoshopping sana kaming tatlo nila Luhan at Baekhyun kaso naudlot nanaman dahil kay mama. Pero ang sabi ko, hintayin nila ako. Ililibre ko kasi silang dalawa sa Bubble Tea Shop mamaya.

"Anak, remember your dream? Na makapunta ka sa California? Pumapayag na ako," halos maibuga ko yung tea na iniinom ko nang dahil sa sinabi ni eomma. Nanlaki ang mga mamimilog kong mga mata. "What? Are you kidding me,mom?" Umiling siya habang nakangiti. At last, dream fulfilled. Kailangan ko itong maibalita kay Baek at Lulu, this is a good news. Tatayo na sana ako pero natigilan ako nang sabihin niyang , "In one condition," nakataas na kilay niyang sabi. Nangunot ang noo ko at tinaasan din siya ng kilay. Hinawakan niya ang baba niya at nagsalita. "Kailangan mo munang magtapos ng isang school year sa isang university," halos manlumo at mahulog yung panga ko. "What the f, mom?!" gulat kong tanong pero tumango-tango lang siya. Going to school is not my style. No, ayoko! Tsaka puro panunukso lang ang aabutin ko dun kasi hindi nila matatanggap ang kasarian ko. Oo, bakla ako pero mayaman ako. Pero.. tss. Ayokong pumasok sa university na yan. Kinalma ko ang sarili ko at nagbuntong hininga. Siguro ok lang naman. As if makakapunta rin naman ako ng California pagkatapos ng isang school year, edi happy happy na ulit. "Ok mom, fine. Pero ikaw ang sisisihin ko kapag nabully ako dun ah!" natawa naman si Eomma ng dahil sa sinabi ko. "Of course not! Oo nga pala, i forgot. You also need to ..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Act like a girl for the whole school year. Para may twist," nagwink pa si eomma. Napasapo nalang ako sa noo ko.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

"Oh my gosh, dream come true baby Soo!" bulaslas ni Baekhyun dito sa Bubble Tea shop. Inirapan ko lang siya. "Oh bakit hindi ka masaya? 2 in 1 nga kumbaga eh. Makakapunta ka na nga ng California, tapos magiging gurl ka pa! Ang swerte mo!" oo nga naman. Minsan may point din tong malanding baekla na toh eh. Kahit may saltik, mahal ko yan. Tumango nalang ako at himigop nung iniinom kong pearl black milk tea. Teka?! Nasaan na yung Luhan na yun? Sabi niya magcCR lang daw siya eh, haayst naman.

"Kyungsoo! Nandi --oh my bulge!" Bulyaw ni Luhan nang makapasok siya ng tuluyan dito sa bubble tea shop. Paano ba naman kasi, natapunan siya nung isang waiter. Mukhang bago lang kasi yung waiter. "Naku miss, sorry po. Sorry talaga," kumuha pa ng tissue si Kuya at pinunas sa t-shirt ni Luhan. "Emeged no!! Galing pang L.A. ang shirt na toh. Huhu, kenyunat??!!" bulyaw niya ulit. Pinagtitignan na siya nung mga tao dito sa shop. Napasapo nalang si Baekhyun nang dahil sa ginagawang scandal ni Lu. Hindi ko magawang lumapit kasi nakakahiya, duh. Bahala nga siya sa kaanuhan niya. I'm satansoo, remember?

"Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya, sorry," patuloy na nagbobow yung lalaki. Halata kong naiinis na si Luhan kaya inambaan na niya ito pero hindi niya naituloy nang magkatinginan sila ng eye to eye. As is eye to eye. Nakita ko, nagspark ang mata ni Luhan. Tss, ang lande. Napabuntong hininga nalang ako. "Sigh," lumagok ulit ako sa iniinom ko.

Luhan

Bakla na kung bakla pero manly parin naman ako nuh. MANLY. Kaya di ko na mapigilan ang sarili ko kundi ang manapak. Nakaamba na ang kamao ko at akmang sasapakin ko siya sa mukha pero tumingin siya ng diretso sa akin, direkta sa mga mata ko. Parang biglang lumambot yung puso ko nang makita siyang maluha-luha na. Mas matangkad pa man din siya sa akin. "Pasensya na po talaga. Wag po kayong mag-alala, papalitan ko nalang ko," ibinaba ko ang kamay ko at nagbow nanaman siya. Napailing ako. "H-hindi. W-wag na, hayaan mo n-nalang," hindi ako makapagsalita ng maayos kasi tinapunan nanaman niya ako ng nakakapanlunod na tingin. Syet, bakit ang gwapo niya pala? Napangiti naman siya. "Th-thalamat po," nagbow siya at naglakad na palayo. Aiish, sayang hindi ko man lang nakita ang pangalan niya sa ID.

Natanaw ko si Kyungsoo at Baek na nakatitig sa akin. Inirapan ko sila. "Wag nga kayong tumitig, baka mainlove kayo sa akin," nagacting naman silang dalawa na parang nasusuka. Umupo na ako dun sa bakanteng table sa harapan nilang dalawa. Binigyan ko sila ng nakakamatay kong irap kaya umayos din sila ng upo. "Lumalandi tayo ah! Pogi ba?" ewan ko pero parang nag-init yung pisngi ko dun. Petengene, what is this? :3

Baekhyun

"Pero syempre, bilang mga babae, kailangang pambabae din ang pangalan natin," napatango ako sa sinabi ni Luhan. Yeah, that's right. Wala nang problema sa pageenroll kasi tita naman ni Kyungsoo yung principal. Buti nalang at mayaman ang baklang yun.

Napabalikwas ako nang biglang tumunog yung cellphone ko. "Eomma?" Tumawag pala si eomma. Haayst, wrong timing naman. "What? Sige sige. Tamang-tama andito ako sa mall." Pagkatapos nun ay ibinaba ko ang tawag. "Hoy mga bakla, pinapapunta ako ni eomma dun sa parlor namin. Mauna na ako ah, babooo!!" Hindi ko na tinignan ang reaksyon nila kundi tumakbo na kaagad papunta dun sa pwesto namin. Oo, may parlor kami ni eomma dito sa mall kaya medyo nakakaangat kami.

Pagkapasok ko sa parlor, napanganga ako. Sobrang dami kasi ang tao. Nang matanaw ko si Eomma ay itinaas ko ang kamay ko para makita niya din ako. Napangiti naman siya nang makita niya ang maganda niyang anak. Lumapit siya sa akin. "Baekhyun! Kailangan ko ng tulong mo," naaawa ako sa mukha ni mama. Mukhang pagod na pagod na siya. "Bakit momsie? Anong problem?" tanong ko habang hinahagod ang likod niyang pinagpapawisan. Hinarap niya ako at hinawakan ang kamay. "Tulungan mo muna ako ngayong araw, please? Tapos bibilhan kita ng eyeliner mamaya," nagliwanag ang mukha ko nang dahil sa sinabi ni eomma. My gosh, NEW EYELINER? KYYAAAAAAAHHH. Kaya walang anu-ano ay kinuha ko ang gunting. "Doon ka sa matangkad na lalaking nagbabasa ng magazine," sinunod ko ang sinabi ni eomma. Nagtungo ako dun sa lalaking yun.

Hinawi ko muna ang bangs ko. "Ano pong ipapagawa nila?" tanong ko habang inaayos ang mga gamit. "Magpapadye ako ng buhok. Gray," napatingin ako sa salamin. Halos mahulog yung baba ko, putspa! Kyyaaaaah. "A-ano po?" hindi ako makaayos sa kinatatayuan ko. Kasi ba naman, itong paglilingkuran ko.. si Park Chanyeol? Gosh .. siya lang naman ang pinakasikat na model ng bench dito sa city. Actually, model ng boxers. May mga posters pa niya ako sa bahay tapos.. kyaaah. Mahahawakan ko yung buhok niya ngayon. Ibinaba niya ang hawak niyang magazine at hinarap ako habang nakapoker face. "Ang sabi ko, magpapadye ako ng buhok. Gray," sabi niya at humarap na ulit sa binabasa niyang magazine. Defuta! Nakakakilig .

Sinimulan ko na ang pinapagawa niya sa akin habang nakangiti ako. Kayo kayang makalapit sa idol nyo nuh. XD

Nang matapos ako ay nilapitan ko si eomma. Nagulat siya sa reaksyon ko. "Oh bakit pulang-pula ka?" tumingin ako sa salamin at tama nga, pulang pula yung pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay ni eomma. "Kenekeleg eke me.. hihihi" sabi ko na ikinatawa ni eomma.

Maya maya pa'y paalis na si Park Chanyeol nang may biglang dumating. Biglang nagdilim ang aura ko sa nakita ko. "Hi babe," sabi ni Chanyeol at hinalikan yung babae. Walang iba kundi si Sandara Park, sikat na model ng kuto -- este ng bench din pero pambabae. Oo nga pala, may relationship daw sila. Huhuhu, machaquette. Hindi ko naman inaasahan ang pagtingin sa akin ng masama ni Sandara. Kaya naman tinapunan ko rin siya ng nakamamatay na tingin. At yun, tuluyan na silang lumabas.

Haaay, ganda na sana ng araw ko eh. Dumating naman yung bruhildang yun :3

perfectly girly [ exo royal otps ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon