Chapter 5

17 0 0
                                    

Naglakad lakad ako sa corridor hindi kasi pumasok iyung prof namin.

"Oo sige na, uuwi nlng ako ng maaga --- hahahaha --- dadalhan ko kayo ng pasalubong".

Tiningnan ko kung sino iyung nagsasalita .... si Euro pala.
Binaba na ni Euro iyung tawag, aalis na sana siya pero hinarangan ko ito.

"Pwede ba tayong mag usap?", tanong ko.

"Ah-ahh sige", sagot niya.

Sinabi ko sa kanya lahat ng saloobin ko. At tinanong ko siya kung bakit parang nag iba siya.

"Amber...... sorry", tanging sinabi niya.
"Sorry? For what?", tanong ko.
"Amber, siguro hindi pa ako sure sa nararamdaman ko para sa iyo", sabi niya.

Dahan dahan namang tumulo ang luha ko. Dafuq after all this time umaasa lang ako. Umaasa ako na gusto niya ako. Umaasa ako na totoo iyung mga sinabi niya. Sht words are words nga naman.

"Amber, sorry dahil sinabi ko iyun sa iyo. Nahihiya akong sabihin sa iyo na gusto kong bawiin iyon", sabi niya habang nakatingin sa baba.

"I dont believe you. Alam kong may mga rason to. I know you still like me Euro.", sabi ko sabay alis sa harapan niya.

Bumalik ako sa room sabay kuha sa bag ko at umalis sa University. Wala na akong pake kung ano ang iisipin nila.
Paglabas ko nman sa gate bumuhos nman bigla ang ulan.
Tumingin tingin ako sa paligid hoping na magpapakita siya while holding an umbrella. Nagpapakatanga na nman ako. Tumakbo nlng ako mukhang wala naman talagang magpapakita eh.

Pagdating ko sa bahay hindi na ako nag palit iniyak ko nlng lahat ng sakit na naramdaman ko.
Maya-maya nman tumawag si Lexi, sinagot ko nman.

"Amber anong nangyari? Bat ka umalis agad? Si Euro nag shift ng course. Nag away kayo?", binaba ko nlng ang call without answering Lexi's questions. Umiyak na nman ako knowing na nag shift ng ibang course si Euro.
Naguiguilty ba sya kaya ayaw na niya kong makita?

Pagkabukas bumalik ako sa University.

"Whaaaaaaat???! You did what Amber? Bat mo sinusundan si Euro? Bat ka nag shift ng course akala ko ba love mo ang nursing. You're ruining your dreams.", galit na sabi ni Lexi.

"Follow your dreams nga diba?", cold kong sagot kay Lexi.

Alam kong hindi totoo iyung sinasabi ni Euro. Alam kong gusto niya pa rin ako. If he's confuse then I'll make him realize na ako pa rin iyung gusto niya.

Biggest Lie [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon