Chapter 7

18 0 0
                                    

Mukhang nagsisisi na ako na lumipat ako. Pano ba yan 2 weeks nang hindi pumapasok si Euro. Uselesss ang paglipat ko kung ganito lang.

Pero mabuti nlng maagang natapos ang klase ko.
Kaya pwede na akong umuwi ng maaga.

Naglalakad na ako pabalik sa bahay nang napadaan ako sa gina gawang building biglang nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha..... Euro?

"EURO!!!", sigaw ko. Napatingin naman siya sa akin at lumapit.

"Anong ginagawa mo diyan dont tell me construction worker ka?", tanong ko.

"Amber pwede ba tayong mag usap?", sabi niya. Pumayag nman ako .

Pumunta kami sa isang park at umupo kami sa isang bench.

"Amber, may ipagtatapat sana ako sa iyo.", sabi niya.

Hindi na ako sumagot hinintay ko nlng ang susunod niyang sasabihin.

"Amber, mali na sinundan mo ako. Amber kahit anong gawin mo hindi na magbabago ang nararamdaman ko."

"I was just hoping na ma---"

"May asawa at anak na ako Amber".

Tinitigan ko lng siya, hoping na sasabihin niyang joke lang.

"Nung nasa mall, si Jannine at si Brix . Asawa at anak ko sila. Alam kong nasaktan ko sila nung sinabi ko iyun pero naiintindihan naman nila dahil tinatago namin iyun na sikreto. Dahil pag nalaman ng University bka hindi na ako papa aralin. Mas matanda si Jannine ng dalawang taon 3 yrs old pa si Brix. Lasing kami ni Jannine nun. 1st yr college ako 3rd yr college si Jannine. Hindi namin mahal ang isa't-isa bunga lang si Brix sa isang pagkakamali. Pero nung nagkasakit si Brix natakot ako na baka mawala siya sa amin ganun din iyong naramdaman ni Jannine. Kaya nangako ako na maging mabuting ama na ako. Kaya hindi ko ipinagpatuloy kung ano man ang meron sa atin Amber.", kwento ni Euro sa akin.

Tuloy tuloy lang ang pag buhos.ng luha ko. Ang tanga ko talaga ang tanga tanga ko.

"Amber may sakit si Brix, kaya nag ta-trabaho na ako. Sana hindi mo ako isusumbong Amber. Kailangan rin ako ng anak ko. Kailangan ako ng pamilya ko.", patuloy niyang sabi.

Tumayo na ako at dahan-dahang umalis. Hindi ko kayang kalabanin ang pamilya niya. Tama rin siya kailangan siya ng pamilya niya.

"Amber?"
Tiningnan ko kung sino ang tumawag sa akin
"Jannine, ikaw pala :) ", sabi ko.
"Heyo po ate ember", sabi ni Brix.
Lumuhod ako sa harap ni Brix.
"Brix, be a good boy ha. Pagaling ka :) love your daddy okay? And also your mom", sabi ko.
"Alam mo na....?", tanong ni Jannine.

I just put a smile on my face saka umalis papalayo sa kanila.

Mahirap man pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Gaya nga ng sabi niya sometimes lying had advantages. It may be his biggest lie pero alam niyang para iyun sa ikabubuti ng lahat.

Biggest Lie [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon