01 KAN

13 2 0
                                    

"Waaaaaaahh!!"

"Ay ! anu ba yan Kiji ! " sigaw ni Mama mula sa kusina tsaka kumaripas itong tumakbo sa sala kung saan ako nanunuod ng palabas.

"Maaa ! Naghiwalay na sina Vina at Miko! Ayokoo na maaaaa! " walang pagaalinlangan binatukan ako nito.

"Akala ko kung nangyari sa'yo dito! Alam mo namang nagluluto ako ng tanghalian Kiji, wag mo akong disturbuhin! makabalik na nga.!" ayun bumalik na si mader sa kusina na galit-galit.



Nanunuod lang naman kase ako ng paborito kong palabas eh! Tapos nakakaiyak yung episode na toh. Kaya panay ngawa ako dito.

"Papi?" may narinig akong maliit na boses sa likod ko.

"Rommy Baby ko!"masayang sambit ko. Tumakbo naman ito sa akin at binigyan ako nito ng isang power hug!

"Papi tignan mo oh!" pinakita nito ang limang tatak na star sa kamay. Ibig sabihin perfect score ito sa pagsusulit nya.

"Wow ang galing ng baby ko, manang mana talaga sa papi nya!" sinanay ko itong Papi ang itawag sa sa akin. kase hello 27 pa po ako nakakatanda lang yung tatay. Ayoko ko din sa daddy dahil pangsosyal lamang ang daddy na tawagan hahaha! Aminin, pag daddy kase means mapera ,eh kami .. walang pera! HAHAHAHA! anyway.. 

"Mukhang may sasabihin yata ang apo ko sa Papi nya.. Hmm ano kaya yun??" ang sabi naman ni Papa na makahulugan kaya napatingin ako sa kanya na may pagtataka.

"Pa?" baling ko kay papa.

"Itanong mo dyan sa anak mo." lagi kasing hatid-sundo ni Papa itong si Romy.

"Romeo Stone..." ang pagbabanta kong sabi.

"Papi, sorry po, kase naman si Kris yung nanguna eh, inaway nya ako dahil sabi nya panget daw ako. Ayun sinuntok ko sa mukha, iyak sya eih." naka cross-arms at nakabusangot pa nitong rason sa akin. Hay nako itong bata na toh, may namanahang ugali. Nagpipigil naman si papa na matawa.

"Lalaki o babae ba yang Kris na yan? "

"Lalaki pong malambot." napatawa naman ako ng mahina.

"Sayang, may ice cream pa naman akong surprisa para sa baby boy ko kaso .. gumawa na naman sya ng kaguluhan sa iskol." oo na naman parati na lang pinapatawag sa school nila dahil sa pinaggagawa nito. in short batang pasaway!.

"Talaga po Papi?!" na eexcite pa nitong tanong kaya tumango ako. Naglulundag naman ito sa tuwa.

"Sa isang kondisyooonn... hmmm.." nag pose ako na parang nagiisip. 

"Papi, sige na pleeaassee!." pagmamakaawa pa nito. 

"Bukas dalhin mo dito yung Kris na sinuntok mo tapos mag sosorry ka sakanya. Syempre dapat kita ko yun, maliwanag ba Romeo Stone?" 

"Eh Papi baka ayaw pumunta nun dahil galit sya akin." ang kyut kyut talaga nito kaya kinurot ko nang mahina ang kanyang pisngi.

"Edi walang ice cream." confident kong sabi. Ginulo nito ang buhok nito na parang nagiisip.

"Oh sige na nga po. Pipilitin ko yun, sa ngalan ng icecream."



Kaya napatawa na lang kami ni papa sa inasta nitong batang toh.Pagkatapos nun ay tinawag na kami ni mama kase kakain nah. Masayang pinag saluhan namin ang tanghalian dahil panay kwento si Rommy sa mga nangyari kanina sa kanilang school.

Kapag Ako'y  Nagmahal (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon