***
Napagpasyahan kong ako ngayon ang maghahatid kay Romy sa school. Ganado mag aral itong si Romy kaso walang buwan ang hindi ako napapatawag dito sa school nila dahil sa mga ginawang kalokohan. Gaya ng laging itong sangkot sa mga away at ang rason nya sinabihan daw sya ng panget kaya ayun lagi ko itong napapagalitan.
"Good morning po manong." ang masayang bati nito kay manong guard at nagmano ito nang nakaabot na kami sa school.
"Good morning din sayo Romy." ngumiti at nag apiran ang dalawa.
"Papi, pasok na po ako, ingat po sa pag uwi. Love you Papi." masaya nitong sabi. Kumiss ito sa lips ko at tumakbo na ito papasok sa school.
"Love you too. Galingan mo ha." pahabol kong tugon tsaka sumaludo ako kanya at gumanti rin ito. Hindi ko na ito inihahatid sa tapat ng kanilang classroom dahil malaki na daw sya sabi pa nito. Kaya laging sa tapat ng gate ko na lang sya naihahatid. Lumalaki na talaga ang anak ko. haayy.
"Kahit makulit iyang anak mo iho, napaka bait nyang bata." napangiti ako sa sinabi ni manong guard at binati ko ito.
"Napaka swerte ko nga po dahil binigay ng Diyos si Romy sa amin." masayang tugon ko dito.
"At napaka swerte din ni Romy dahil nagkaroon sya ng magulang na busilak ang puso. Oh sya, papasok na ako iho at magandang umaga sayo. " tumango at umalis na ako.
(****************************)
"Kiji!"
"Ano nanaman bah?" bagot kong sabi kay Mira habang busy ako sa pagtatype para sa report ko mamaya.
Napalingon lang ako dahil rinig kong hingal na hingal itong nakayuko.
Kaya napakunot ang noo ko.
"Anyare ter? sa itsura mo, para ka namang hinabol ng sampung aso? tsaka san ka ba galing? hoy, magkagrupo tayo as far as i remember, tinutulongan mo dapat akong mag prepare para sa report natin mamaya!"
"Kiji bes! si Romhelle at Jericho nagbabasagan ng mukha doon sa gym!!"
"Ano??!!"
Sa narinig ko ay agad akong tumayo at kumaripas ng takbo papuntang gym! Malayo pa lang ay may nakikita akong studyanteng papunta rin ng gym na sure akong makikichismis din ang mga 'yan. Nang makarating ako ng gym ay inilibot ko kung saan sila nagrarambulan at ayun ! walang umaawat sa kanila. Tumakbo ako ng mabilis tsaka lumapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Kapag Ako'y Nagmahal (BXB)
Romance**THIS IS WORK OF FICTION! All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidenta...