"Aaaaaaahhh!! Ang landi mo insan!" kinikilig nitong sabi.
"Hindi rin."plain kung tugon.
"Anu ka bah, nakakakilig kaya yung sa inyo. Pagkatapos??"
"Pagkatapos. TAPOS NA! Umuwi ka na sa inyo kase inaantok na ako! Sige nah!" pagtataboy ko pa dito.
"Nu ba yan insan! kakasimula pa lang ng kwento oh," reklamo pa nito.
"Eh inaantok na ako eh!"
"Keri pa yan! Sige na gooooes!" pamimilit pa nito at bumalik naman ang excitement nya sa mukha.
"Fine..." napaikot na lang ako ng mata.
(****************************)
" Talaga??!! WAAAAHHHH!! I'm so so so so so happy talaga for you bes! Magkaka jowa ka na talaga everr!" masayang sabi ni Mira. Nandito kami ngayon sa helera ng mga Street Foods sa labas ng SSU, sarap mag fishball at kwek-kwek eh.
"Sira! Jowa agad?! Inaccept lang ang friend request sa fb jowa na naisip mo, saka nakakahiya yung time na yun noh, imagine Nag iistalk ako sa fb nya tapos katabi ko lang pala sya! which means nakita nya yung ginawa kung pag sstalk! eh sinong hindi mahihiya non? Magtigil ka nga!" sabi ko sabay kain ng fishball.
"Napaka nega mo, malay mo diba? gumagawa na pala ng paraan si tadhana para sa inyong dalawa. Gaya nito. Kuya pariham nitong clip." kinuha nya yung clip at binigay sa akin."Aanhin ko naman yan?"pagtataka ko.
"Well, pipili ka lang naman dyan sa niluluto ni kuya ng nakapikit gamit ang clip. Kondisyones, Pag fishball ang napili mo , meaning magiging jowa mo sya at pag kwek-kwek naman ay syempre kabaliktaran nito meaning HINDI!"Kung maka hindi naman tung bruha natoh pero game ako dyan hehehe.
"But wait, pipiringan na lang kita baka mandaya ka." baliw na toh. Tsaka piniringan ako nito gamit ang panyo nya
"Ayan, Ready ka na?? Pwesto mo na kamay mo.." tumango naman ako. " ...Okay in 3, 2 , 1 pili nah!" Teka ba't ba kinakabahan ako? Eh pipili lang naman ako. Dahan-Dahan namang binaba ko ang kamay ko at nag aalangang pumili.
"Isang ipitan lang yan, touch moved na pagpipili ka pa ng iba." "Oo nah, ito nah oh." Tinaas ko naman ang pinili ko, di ko alam kung fishball ba toh or kwek-kwek basta pareha silang bilog pero teka ba't tumahimik ang gaga?
"Huy Mira ano tatanggalin ko na bah tong piring ko?" Pero tahimik parin ito.Bahala sya kaya tinanggal ko na ang piring.
BINABASA MO ANG
Kapag Ako'y Nagmahal (BXB)
Romance**THIS IS WORK OF FICTION! All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidenta...