03 KAN

5 1 0
                                    





"Ang galing.. tinulogan mo akong bweset ka." sambit ko na lang naman dahil sa tinulugan ng pinsan ko. Inakay ko na ito patungo sa kwarto ni kuya. Tuwing sabado lagi umuuwi si Kuya kaya wala sya ngayon.

Matapos mahatid si Insan ay bumalik ako sa labas at dinala sa sala ang pito pang bote ng beer. Nilinisan ko ang mga kalat don sa labas pagkatapos ay pumasok na ulit ako sa loob.

Ako na lang magisa ngayon, binuksan ko yung isang bote at agad ko yung ininum..

"Hindi mo lang alam Romhelle, mahal na mahal parin kita hanggang ngayun.." ang bulong ko sa hangin kasabay ang pag agos ng mga luha sa aking pisgi..

Umiyak ako ng tahimik, ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang masasayang kahapon....






(****************************)





"Oh bes, ba't ganyan yung pagmumukha mo? Para kang pinag sakloban ng langit at lupa? Ano bang ganap?" pag-uusisa ni Mira ng makita nya akong malungkot.

"M-miraaaa..." tuluyan na nga akong napaiyak.

"Kiji, ano ba ang nangyari? ba't ka umiiyak?"pagaalalang tanong nito.

"M-mira parang hindi na nya ako kilala."

"Ha? paano nangyari yun? Eh diba last week hinatid ka doon sa bahay nyo tsaka naki sleepover pa sya don, tsaka kahapon nag mall kayo ng hindi ako kasama, so anyare?"

"Yun na nga eh..." mas lalo akong napa iyak dahil pinaalala nya yung isa sa masasayang araw ko.

"Magkwento kana nga, kumbakit ka umiiyak dyan, tsaka hello,, hindi ka na nya kilala?, paano naman nangyari yun? ano lang? amnesiahan ? ganurn?"

Tumigil naman ako saglit sa pagiyak at hinarap ko sya.

"Eh kase kaninang umaga nakita ko sya sa parking lot. Mukhang maaga sya pumasok, napag isipan kong lapitan sya para babatiin ng magandang umaga, kaya ayun nilapitan ko....."



Bago pa man ako makalapit sa kanya ay tanaw kong nandyan na pala yung mga kaibigan nya. Nag dadalawang isip nga ako kung itutuloy ko ang paglapit sa kanya pero nilakasan ko talaga ako loob ko.

Nang makaharap ko na sa ay bumati agad ako.

"G-good morning Rom." masayang kong sabi sa kanya at napalingon sya sa gawi ko.

"Woah, Pare anu yan ha, mukhang iba na yata ang taste mo ngayon ah." nakangiti pang sabi ng kaibigan nya, Ngiting pangiinsulto.

"Well, cute naman sya, pero naaaah bakla pa rin yan. Tsaka Rom mukhang close kayo ah? Saan mo na kilala yan?" sabat pa nung isang kaibigan nya.

Walang kibo lamang si Romhelle sa sinabi ng kaibigan nya.

Nagulat nga ako medyo sa inasta nitong mga kaibigan nya. Kilala naman rin sila dito sa paaralan na may masasamang ugali.

Kapag Ako'y  Nagmahal (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon