𝐏𝐫𝐨𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞

4.5K 99 2
                                    

𝐏𝐫𝐨𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞

Umupo muna ako sa bench na nakita ko dito sa labas nang hospital. Bukas nalang cguro ako maghahanap nang trabaho para pambayad sa hospital bills ni nanay. Galing pa akong probinsya lumuwas lang talaga ako para mabisita at maghanap nang trabaho.

Tumayo na ako para maghanap pa nang apartment na pwede kong tuluyan habang nandito pa ako.

" Mommy! Mommy! Wait! " dinig kong sigaw nang isang bata sa likuran ko. Bakit parang ang familiar nang boses nya? Parang narinig ko na yan dati?

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Cguradong di naman ako ang tinutukoy nun at isa pa wala naman akong anak.

" Mommy! Wait for me! " sigaw ulit nung bata. Sino ba kasi ang nanay nya? Bakit kanina pa sya sigaw nang sigaw? Binilisan ko nalang ang paglakad ko.

" Gotcha! Mommy! " Natural na napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses na yun. Kasabay ang pagpulupot nang mga maliit nyang braso sa binti ko. Literal na napalingon ako sakanya tsaka din sya nag angat nang tingin saakin.

" Who's your mommy baby girl? " tanong ko.

" You! You're my mommy. " napanganga naman ako sa sagot nya.

Kailan pa ako nagkaroon nang anak na hindi ko naman kilala.

" Huh? Baka napagkamalan mo lang ako baby girl. Wala kasi akong anak eh. " saad ko sakanya. Totoo naman eh wala akong anak.

Nakita ko namang natigilan sya at unti unting namumula ang kanyang mata!

" Iiyak na ba baby girl? " muntik ko nang batukan ang sarili ko dahil sa tanong ko. Hindi ba halata na iiyak na sya?

" Uwahhhh! Uwahhhh! Your my mommy! Uwahhhh! " Hindi ko mapipigilang matawa sakanya. Nagpapadyak pa kasi sya at tinuturo ako habang umiiyak.

" Yan ang napapala sa mga maagang lumandi tsaka magpapanggap na hindi kilala ang anak. " dinig kong bulong nang isang babae na dumaan sa gilid namin.

Shuta! Hindi ko nga to anak eh!

Binuhat ko nalang sya para matigil sa pag iyak.

Hindi nga ako nagkamali dahil kalaunan ay tumahan nga sya.

" Baby girl " natulos ako sa kinatatayuan ko nang may nagsalita sa likuran ko.

" Daddy! " sigaw nang bata pag angat nya nang tingin. Lumingon nalang din ako.

He looks so familiar.
Tumingin naman sya saakin pero agad ding natigilan.

" C-Cindy " saad nya na may halong pagkagulat. Naguguluhan naman akong napatingin sakanya.
Who's Cindy? Ahh baka Cindy ang pangalan nang bata. Pero bakit sya saakin nakatingin?

" Daddy! I already found mommy! " sigaw naman nung bata.

Ang tigas nang ulo! Sinabi na ngang hindi ako ang mommy nya eh! Pinababa ko sya sa buhat ko at pumantay ako sakanya.

" Diba baby girl , sinabi ko na sayo na hindi ako ang mommy mo." Mahinahong saad ko sakanya.

" No..no.. you're my mommy." Paiyak na sabi nya habang umiling iling tsaka tumingin sa daddy nya. " Am I right daddy? That she is my mommy? " Tanong nya sa daddy nya habang nakaturo saakin ang daliri nya. Tumingin naman saakin ang daddy nya tsaka dahandahang umiling. Umiyak naman nang todo ang bata.

I don't know pero para din akong nasaktan na hindi ako ang mommy nya.

" Baby girl tahan kana ha. Maghahanap pa kasi ako nang matitirahan ngayon kaya kailangan ko nang umalis. Kaya tahan na." Sabi ko sakanya habang pinupunasan ang luha nya.

" Are you looking for a work po? " Tanong nya saakin nang tumahan na sya. Tumango naman ako sakanya.

" Yey! If you're not my mommy so can you be my nanny?? Please.." Sabi nya with matching puppy eyes.

" Ayesha " her dad said with a warning tone.

So kung Ayesha ang pangalan nang bata para saan yung Cindy na binanggit nya kanina?

" Yes daddy? " Ayesha ask innocently.

" You have a nanny already " her dad answer.

" But I don't like her! She's just flirting with you! " She shouted at her father.

" Hey! Baby girl don't shout at your father hmm? That's bad. " I interrupt them.

" Okay po. Sorry " sabi nya tsaka yumuko.

𝐒𝐡𝐞𝐥𝐥𝐚𝐧𝐢𝐠𝐚𝐧𝐬

                      𝐕𝐎𝐓𝐄&𝐅𝐎𝐋𝐋𝐎𝐖

Babysitting The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now