𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐞𝐧

1.5K 54 7
                                    

𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐚/𝐂𝐢𝐧𝐝𝐲'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Kasabay nang pagbalik nang alaala ko ay kasabay din nang pagkabuhay ulit nang galit sa puso ko.

Sila naman ang may kasalanan ah , pero bakit parang ako nalang laging may mali?

Heto ako ngayon sa loob nang kwarto dto sa hospital. Bukas pa daw ako pwedeng ma discharge.

Nakatulala lang ako sa kawalan habang iniisip kung ano ang maling nagawa ko para ganunin nila ako.

Naiiyak na naman ako habang bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari noon.

[𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇𝐁𝐀𝐂𝐊]

"Good morning , Love" nakangiti kong bati kay Kyle pagkagising ko.

Pero nagulat lang ako nang binigyan nya ako nang malamig na titig.

Baka stress lang sya. Sabi ko sa isip ko.

Bumangon nalang ako at pumasok sa banyo para maghilamos bago bumaba para magluto.

Pagkatapos kong magluto ay bumalik ako sa taas para tawagin sya.

"Love , kain na tayo" anyaya ko sakanya.

"I'm not hungry" malamig na sagot nya.

" But I cooked your favorite" nakangiting sabi ko. Not minding his cold treatment.

"I don't care"pinipigilan kong lumabas ang luha sa mga mata ko dahil sa sagot nya.

Tumungo lang ako bago bumaba.

Pagdating sa kusina ay hindi ko na napigilang humaguhol.

Hindi ko alam kung bakit sya naging ganun. Kahapon naman ang sweet nya pa sakin. Tas ngayon ang cold nya na. Wala naman akong ginawang masama eh.

Hanggang sa gumabi na ay ganun pa din ang trato nya sakin kaya hindi ko na napigilang komprontahin sya.

"Love, bakit ganyan kana sakin? May nagawa ba akong mali?" Kinakabahan kong tanong habang nasa office nya kami. May opisina sya dto sa bahay.

Binigyan nya lang ako nang malamig na titig bago nagsalita.

"You're really a great actress eh?" Sabi nya na may halong sarkasmo sa pananalita.

Naguguluhan namn akong napatingin sakanya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

"Stop lying! Can you?!" Pinipigilan ko ang luha ko nang sumigaw sya.

"Hindi naman ako nagsisinungaling ah!" Sigaw ko din. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Padabog lang syang tumayo bago lumabas at malakas na isinirado ang pintuan.

I really don't get him.

Ano ang sinabi nyang nagsisinungaling ako?

Days, weeks and months past ganun pa din sya sakin.

Lagi nalang akong umiiyak pag aalis sya para magtrabaho. He's the CEO of their company. Pinasa na ito ni Tito sakanya.


Nagising nalang ako na parang binabaliktad ang sikmura ko kaya naiiyak akong pumasok sa banyo at sumuka doon.

Hindi ito first time na nangyari saakin. Kaya na isipan kong magpacheck up mamaya.

Magpapasama nalang ako kay Jhane. Jhane is my college best friend.

Tinawagan ko sya at sinabing magpapasama ako mamaya. Hindi naman nya tinanong kung saan kami pupunta basta pumayag na agad sya.

Bumaba ako sa kusina para magluto nang breakfast ko. As usual wala na din si Kyle dto. Minsan nga dalawang beses lang sa isang linggo sya uuwi dto.

Pagkatapos kong mag breakfast ay pumunta ako sa sala para manood nang TV gaya nang lagi kong ginagawa.

Habang nanonood nang TV , nawala na naman ako sa isip ko.

What if may bago na si Kyle kaya hindi na sya umuuwi dto? Naiiyak na naman ako sa naisip ko.

Tanghali na nang tawagan ko si Jhane at sinabing magpapabili ako nang mangga tsaka sinabing ngayong tanghali nalang ang lakad namin. Sa una ay nag reklamo pa sya dahil ang init daw pero wala din syang nagawa sa huli.

Pagdating nya ay agad naman akong napatakbo sa banyo para mag suka na naman.

"Ano ba yang amoy mo Jhane! Ang baho!" Reklamo ko habang nakatakip ang kamay sa aking ilong.

"Anong mabaho? Gaga ka ba! Victoria Secret to tas sasabihin mong mabaho?" Naiinis na sagot nya.

"Eh!  Hindi ko gusto ang amoy eh! Btw , asan na ang mangga na pinabili ko?" Tanong ko.

May kinuha syang isang plastic tsaka lalapit sana sya sakin pero mabilis akong umiwas.

"Ilagay mo lang yan sa lamesa. Wag kang lumapit saakin. Ang baho mo"nakangiwing sabi ko sakanya. Mabilis naman itong umirap bago padabog na nilagay sa lamesa ang mangga.

"Btw , saan tayo pupunta ngayon ha?" Taas kilay na tanong nya.

"Magpapacheck up ako" nakangusong sabi ko sakanya.

" Ano namang nangyari sayong babae ka ha?"

"Lagi nalang akong nagsususka."

"Hala ka dai! Baka buntis ka!" Napatulala nalang ako sa sinabi nya.





𝐒𝐡𝐞𝐥𝐥𝐚𝐧𝐢𝐠𝐚𝐧𝐬

                         𝐕𝐎𝐓𝐄&𝐅𝐎𝐋𝐋𝐎𝐖

Babysitting The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now