𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐎𝐧𝐞

2.6K 75 2
                                    

Andrea's POV

Ang bilis nang pangyayari dahil ngayon nandito na ako sa loob nang sasakyan nila. Pero ang batang to hindi ako tinigilang kinulit kanina. Kaya ayun tulog.

Hindi ko rin alam kung bakit ang gaan nang pakiramdam ko sakanya. Pero sa tatay nya parang galit ang mararamdaman ko kapag tumingin sya saakin. I always caught him looking at us then kukunot ang noo.

" Mommy " saad ni Ayesha habang medyo nakapikit pa ang mga mata nya na nakatingin saakin.

" Yes baby?"

" Don't leave us again please. " Saad nya bago nakatulog ulit.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Kailan ko sila iniwan? Ngayon ko lang naman sila nakita.

" Give her to me " sabi nya sa malamig na boses. Kaya binigay ko na sakanya si Ayesha.

Nauna na syang lumakad kaya sumunod na din ako.

Two storey house ang bumungad saamin pagpasok namin sa gate.

Ang laki nang bahay nya tapos silang dalawa lang ang nakatira?

Pumasok na sya sa loob kaya pumasok na din ako. Pakapalan lang nang mukha.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong sala. Parang pamilyar  ang lahat nang gamit dito.

" Magandang hapon po , Sir " napabaling ako sa nagsalita. Medyo may kaedaran na ang babae mga nasa mid 40's na sya.

" Kindly bring her to her room , Nay " saad nung daddy ni Ayesha. Tumango naman ang tinawag nyang 'Nay' tsaka umakyat papuntang second floor. Tumingin naman saakin ang daddy ni Ayesha. " You. Follow me " Sabi nya tsaka tumalikod kaya sumunod na din ako.

Pumasok kami sa isang library tsaka umupo sya sa upuan na nasa dulo nitong library.

" What's your full name " he ask habang seryusong nakatitig saakin.

" Andrea Alvarez po " sagot ko.

" Where did you live "

" In Cebu Province "

" Then? Why are you here in Manila. "

Nosebleed na ako! Hindi ba sya marunong magtagalog?

" Nahospital kasi ang nanay ko. "

" Wala bang hospital sa Cebu? " Tanong nya na may halong sarkasmo ang pagsasalita.

" Meron naman po. Pero nagtrabaho kasi sya dito sa Manila "

" Why did you accept Ayesha's offer ?"

" Kailangan ko po kasi nang trabaho para pambayad sa bills ni nanay sa hospital at magaan din ang loob ko sakanya. "

" Okay you can start tomorrow." Sabi nya tsaka tumalikod kaya tumayo na din ako.

Paglabas namin nandun na yung babae.

"Nay , kindly assist her to her room " Sabi nya sa matanda.

Tumango naman ang matanda tsaka bumaling saakin pero agad din syang natigilan.

" Ma'am C-Cindy " nauutal na saad nya.

Magtatanong sana ako pero may tumikhim dun sa may hagdan.

" She's not her , Nay " sabi nya kay Nanay.

Kahit naguguluhan ay tumango nalang ang matanda tsaka bumaling saakin.

" Sumunod ka saakin Iha " sabi nya tsaka ngumiti saakin at tumalikod na. Sumunod na din ako sakanya.

Kinaumagahan nagising ako dahil may humahalik saaking pisngi.

" Mommy , wake up na po. " Agad akong bumangon dahil ngayon pala magsisimula ang trabaho ko.

" Ay hala. Sorry baby ngayon pa ako nagising , anong oras na ba? "

" 5 AM pa po mommy "

" Anong oras ang pasok mo sa school? "

" 7:30 po "

" Okay , paliliguan muna kita ha. Saan ba ang room mo? "

" Follow me po mommy "

Sumunod nalang ako sakanya.

" Good morning daddy " bati nya nangmakasalubong namin ang ama nya.

" Good morning too baby " balik bati sakanya nang ama nya.

Tumingin naman sya saakin pero agad din akong nag iwas nang tingin.

Hanggang ngayon pala hindi ko pa alam ang pangalan nya.

Linagpasan ko nalang sya at pumasok sa silid ni Ayesha. Tsaka sya pinaliguan.

" Baby girl , ano pala ang name nang daddy mo? " tanong ko habang sinusoutan sya nang kanyang uniform.

" Jhon Kyle po mommy " sagot nya. Tumango tango lang ako sa sagot nya.

I don't know. Pero ang sarap sa pakiramdam na tatawagin nya akong mommy. Parang sanay na ako kahit kahapon pa kami nagkita.

Pagkatapos nyang magsuot nang uniform ay bumaba na kami para makapag agahan na sya.

" Ako na ang maghahatid sainyo " saad ni Sir Kyle using his cold voice.

" Okay daddy! " Ayesha happily shout with matching clapping her hands.


𝐒𝐡𝐞𝐥𝐥𝐚𝐧𝐢𝐠𝐚𝐧𝐬

                      𝐕𝐎𝐓𝐄&𝐅𝐎𝐋𝐋𝐎𝐖

Babysitting The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now