= Johan Victor's POV =
Bumalik na ako sa classroom, at umupo sa desk ko.
Napansin kong nakatingin sa akin si Patrick, ang isa kong kaibigan na parang laging lutang, pero hindi, mabait ito.
Patrickandro Dizon ang tunay nyang name, kaso ayaw nyang binabangit ang buo nyang pangalan.
Hindi ko alam kung ano ang tunay na rason pero sabi nya "basta".
"Nakabusangot ka na naman, tikboy!" sabi sa akin ni Patrick.
"Oo nga, napansin ko din kanina yun pagpasok nya" dagdag naman ni Charlene, or Chacha.
Si Charlene Barrios ang maituturing kong best friend dito sa school. Matalino siya, sa katunayan isa rin siya sa mga candidates for Valedictorian sa batch namin. Sya ang lagi kong sinasabihan ng mga problema ko.
"Ah wala naman..."
"Kalimutan mo na nga muna yan JV. Itsura mo, "wala naman". Asus, mamaya, manlilibre ako!" sabi ni Patrick sa akin, halatang pinapagaan ang mood ko, gaya ng parati nyang ginagawa.
"Wow, sosyal ka ha. Sige ha"
Nuong lunch break, akalain mong ang daming binili sa amin ni Patrick. Pizza, burgers, Fit N' Right tapos Caesar Salad. Wow.
"Thanks Patrick ha. Gusto mo ata kaming patabain" sabi ni Chacha. Natawa nalang ako dahil masaya kaming kumakain. Ang kulit ni Patrick, may kinukwento siya about duon sa pinsan nya na 10 years-old na, umiihi pa sa kama. Tapos ang dami pa nyang kinukwento kagay nung mabahong paa daw nung ex-girlfriend nya, kung paano siya mangodigo minsan at iba pa. Tawa kami ng tawa ni Chacha.
Habang kumakain ay nakita ko nanaman ang isang pamilyar na mukha. Yung mukha na nakita ko kanina lang. Si...Darryl? Yes, Darryl nga ata yun. Natatandaan ko dahil siya lang ata ang taong may pinaka-brown na kulay na mata na nakilala ko. Naglalakad siya papunta sa table duon sa may likuran. Malayo ang table ko sa kanya, kaya hindi rin nya ako napansin.
"Chacha, kaya medyo mainit ang ulo ko kanina, kasi dahil may bumati sa akin kanina" sabi ko kay Chacha, na naka upo sa kaliwa ko.
"Sino?" sagot naman nya sa akin. Nakinig na din si Patrick.
"Yung Darryl ba yun"
"Ay talaga?" singit naman ni Patrick.
"Si Darryl Ferrer, yung taga Section IV"
"So, kilala mo siya?" sagot ko naman kay Patrick.
"Abay oo naman. Wala ka kasing alam sa mga underground section dito sa atin eh. Yang si Darryl, madalas ko yang makitang nagyo-yosi sa labas at madalas mahulihan ng kodigo sa exams. Suki siya ng guidance office" explain naman ni Patrick.
"Yuck. Naninigarilyo pala siya" sabi ko naman.
"Interesting yung character nya ha. Asaan ba siya?" tanong sa akin ni Chacha. Tinuro ko si Darryl sa kanya.
"Ayun oh. Yung nakaupo sa may kanan. Yung nakaharap...dito?"
Patay. Nakita ako ni Darryl na nakaturo sa kanya. Tumayo siya sa kanyang upuan...at naglakad...papunta sa table namin.
"I..I..I need to pee" sabi ko sabay tayo at lakad ng mabilis. Nagulat nalang sina Chacha at Patrick sa akin.
Mabilis akong naglakad, hindi papunta ng banyo pero palabas ng canteen. Napahiya ako duon ah. Ngayong nalaman ko na underground pala itong si Darryl, I'm in trouble. As in.
Sa bawat hakbang ko, ramdam kong may sumusunod.
Sa bawat lingon ko, may nakikita akong sumusunod.
Malapit sa akin.
Sige parin ang sunod kahit na mabilis na ang lakad ko.
Hangga't ako ay lumingon.
Sinundan ako ni Darryl.
BINABASA MO ANG
[BxB] Tatlo't Kalahating Oras | Completed ✔
Teen FictionAng buhay ay magulo. Masaya. May drama. May suspense. May thrill. Nakakatuwa. Nakakapraning. Nakakapikon. Nakakaaning. In short, parang palabas. Kung may tatlo't kalahating oras ka, anong gagawin mo? Gagawin mo ba iyon para lang makasama ang mahal m...