Chapter 5 O'Clock - Medyo Malalim Pala Siya

12.8K 286 7
                                    

= Johan Victor's POV = 

"Ano ba, Darryl? Bitiwan mo nga ako. Nakakahiya na" pabulong kong sabi sa kanya. Binitiwan nya ng marahan ang kamay ko.

"Eh ikaw kasi Master eh, ayaw mo pang mag palibre" sabi naman nya sa akin. Ang kulit talaga nya. Sa sobrang kulit nya, wala na akong nagawa kung hindi pumayag. Medyo nahihiya din naman kasi ako, pero sabi nga sa kasunduan namin, ililibre nya ako after our tutorial class.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nya.

"Kahit saan"

"Walang kainan na ang pangalan ay Kahit Saan" sabay tawa.

"Pilosopo! Sige na nga, duon nalang tayo" sabi ko habang tinuturo yung coffee shop duon sa may tapat ng school namin.

"Sure ka ba?" tanong nya. Tumango nalang ako. Tapos, lumakad na kami papunta duon sa coffee shop. Pagbukas namin ng pinto, wala masyadong tao. Mga tatlong table lang ata ang may tao, out of six: Isang babae dun sa table na malapit sa bintana sa left side, tapos sa likod nung table nya, tatlong estudyante, dalawang babae, isang lalaki. Sa table naman sa may bandang bar, isang lalaki at babae. Duon kami umupo sa may malapit sa pinto.

"Order ka na, master" sabi nya sa akin.

"Huy, hinayhinayan mo naman ang pagtawag ng master. Medyo nakakahiya" sabi ko, tapos napangiti ako.

"Marunong ka pala ano?"

Napatingin ako sa kanya, kasi tumitingin ako ng oorderin.

"Marunong ng ano...?"

"Marunong ngumiti" sabi nya. Akala ko naman kung ano na...ha?

"Asus. Syempre, tao ako" sabi ko, tapos tumawa ako.

"Aba, at marunong ka ding tumawa!" sabi niya ulit.

"Sanalagi kang ganyan, ano? Para hindi ka mukhang laging mananapak. Haha. Kaya siguro single ka, kasi lagi kang nakasimangot. Natatakot sayo ang mga girls!" pagpapatuloy nya. Humarap ako sa kanya at napangisi.

"Hindi naman sa ganun. Masyado lang akong busy at walang panahon dyan sa love life na yan. Mas maraming important things na kailangan kong problemahin, kaysa sa love na yan" sabi ko. Natahimik na naman sya.

"So, na in-love ka na ba?" tanong nya sa akin. Napatingin ako ulit sa kanya.

"Sir, oorder na po ba kayo?" sabat naman nung waitress. Ang pangalan nya Annie, nakalagay kasi sa nametag nya.

"Ay sige. Isang Caesar Salad tapos Frap. Ikaw, Darryl?"

"Chocolate mousse saka isang hot black coffee"

Tapos, umalis na si Miss Annie.

"Back to our question, Master. Na inlove ka na ba?" tanong nya ulit. Inalis ko ang salamin ko, hinawi ang buhok ko at tumingin ako ulit sa kanya. Napansin ko ang tangos ng ilong nya, habang nakatitig din siya sa akin.

"Oo naman. Nung 2nd year high school. Ang name nya, Mara. Mara Enriquez. Classmates kami nuon at madalas kaming ni-la loveteam sa classroom dahil lagi kaming partners sa activities. Kapag hindi ko kasama yung barkada ko, siya ang madalas kong kasama, kausap sa phone at ka-chat. Until one day, na realize ko na gusto ko na pala siya. Tapos, nung aamin na ako...sinabi nya sa akin na aalis na pala siya. Nasaktan ako nuon, kasi di ko man lang nasabi sa kanya yung nararamdaman ko. Ang hirap pala nun sa loob, no?" sabi ko sa kanya.

"Alam mo, siguro hindi talaga sya para sa'yo" sabi naman nya.

"Paano mo nasabi?"

"Eh kasi,sana, hinayaan ng pagkakataon na masabi mo sa kanya ang nararamdaman mo, kung talagang parra sa'yo siya. Pero hindi eh. May mga ganun talaga minsan. Kala mo, siya na pala, yun pala, hindi, may iba ka pang makikilala at magpapasaya sayo..." sabi nya sa akin.

Malalalim din pala itong si Darryl.

"Siguro nga, Darryl, tama ka." sabi ko. Dumating na ang order namin.

"Anong gagawin mo, kung...magkita ulit kayo?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam, Darryl eh. Hindi ko alam kung magiging masaya ako, excited, malungkot, magagalit...ewan. Pero sana nga, makita ko siya ulit"

After kong sabihin yon, napayuko si Darryl. Tapos, uminom siya ng kape nya.

"Kain na tayo!" sabi nya, tapos nakangiti sya.

Kumain na kami. Tahimik kami throughout, tila naubos na ata ang pinagkwentuhan namin.

After kumain, tinanong muli ako ni Darryl.

"Master, okay ka lang?" nagulat naman ako sa tanong niya.

"Oo naman. Wala namang problema eh" sabi ko, pero tila maski ako, hindi ako kumbinsado sa sagot ko.

"Sige...master, maiwan na kita. Salamat talaga, sa uulitin ulit, master" sabi nya, saka naglakad palayo.

Muli kong naisip si Mara.

-----------------------------------------------------

Wait for the next chapter!

PpyonG~


[BxB] Tatlo't Kalahating Oras  |  Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon