1.
Sa di inaasahang pagkakataon ay aking natagpuan
Ang aking kapatid na halos isang dekada nang di ko masumpungan
Damdamin ko ngayo'y di na maintindihan
Sa pinaghalong-lungkot at saya na aking nararamdaman2
Di ko akalain na ikaw na pala iyan
Nung huling kita ko pa sa'yo ay ika'y dinuduyan
Ng ating ina na walang sawang nag-aalaga
Kahit abala pa siya sa lutuin at labada3.
Bunso ko, bunso ko, kay tagal kitang hinanap
Pero sa wakas at ngayon ay ika'y aking nahagilap
Di ko akalain na ako'y iyong matatanggap
Sa kabila ng ilang taon ng aking pagpapanggap4.
Iyong mga ngiti ay sadyang nakakahawa
Dinadala nito sa langit ang aking diwa
Sa isang ngiti mo lang ang araw ko'y sapat na
Pinapawi na nito ang lungkot na aking nadarama5.
Ganda mo'y maihahalintulad sa isang pulang rosas
Na kahit kailan ay hindi kukupas
Sa iyong yumi ay ako'y iyong nabihag
At di na ako makakawala sa ilalim ng iyong bitag6.
Di ko inakala na ika'y aking matatagpuan
Akala ko noon na sa TV lang ang ganitong mga tagpuan
Kaya sa pagkakataong ito ay ika'y aking aalagaan
At hindi ko hahayaan na ika'y masaktan7.
Ako'y narito kahit ano man ang mangyari
Gumuho man ang mundo ay mananatili ako sa iyong tabi
Kahit ano mang peligro ay aking haharapin
Basta't ikaw lang ay di malagay sa alanganin8.
Sa piling mo ako'y laging mamamalagi
Nang sa gayon ay mapawi ang iyong pag-aatubili
Basta't isusukli mo lamang iyong matamis na ngiti
At ang lahat ng aking pag-aalala ay aking isasantabi9.
Aking kapatid sa akin ay wag mag-alala
Dahil ayos lang ako kaya't wala ka dapat ipangamba
Ang inaalala ko lang ay ang iyong kalagayan
Na sana ay mapawi ang ang bigat na aking nararamdaman10.
Sa aking pagtulog ika'y lagi kong iniisip
Magpahanggang sa aking mga gawain ay laman ka rin ng aking isip
Ang lahat ng ginagawa ko ay para sa'yo lamang
At walang sino man sa akin ang makahahadlang11.
Di matutumbasan ng kahit anong yaman sa mundo
Ang tuwa na aking nadarama nung ika'y nakita ko
Sa loob ng isang dekada ng aking pangungulila
Ay natagpuan ko na ang sagot sa aking mga akala12.
"Kamusta ka na?" Ang aking tanong
"Mabuti naman po." Ang iyong tugon
Di ko akalain na ikaw ang kukumpleto
Sa nawawalang piyesa ng aking puso13.
"Kuya." Salitang di ko makakalimutan
Na iyong tawag sa'kin nung ika'y aking natagpuan
Itatanim ko lagi ito sa aking puso't isipan
Kahit na hanggang sa aking kamatayan14.
Sa kabila ng mga babae na naging parte ng buhay ko
Ikaw lang ang tanging kumumpleto
Sa kabila ng lamig na aking nadarama
Ikaw lang pala ang magbabalik ng sigla15.
Isang dekada na tigib sa pagmamahal ang aking puso
Kahit na marami na akong naging mga nobya
Pero ni isa man lang sa kanila ay walang nakaalis ng aking pangungulila
Sa taong minsan ay tinawag akong Kuya16.
Ang iyong ganda ay hindi mapapantayan
Tulad nito'y isang pulang rosas sa gitna ng halamanan
Na siyang namumukadkad sa tuwing dinidiligan
Ng aking pagmamahal na iyong kinakailangan17.
Ika'y aking aalagaan ng buong puso't isipan
Kahit pa ang kapalit nito'y aking kasawian
Sa'yo ko lang ilalaan ang aking pagmamahal
At ipinapangako ko sa'yo na ito'y magtatagal
BINABASA MO ANG
100 Tula para kay Sachi
PoetryA long poetry piece that tells the love of a man to his long lost little sister.