Kabanata IV

11 0 0
                                    

Tatlong buwan na. Paano ba malalaman kung nakamove-on kana? Pero bago yan, sinunod mo ba 'yung mga dapat burahin at dapat itigil? Oo. Sinunod mo. Diba kahit papaano nakatulong? Ang sarap sa pakiramdam na tuyo na 'yung unan mo kapag natutulog ka. Hindi na mabigat yung dibdib mo. Nakakahinga ka nadin ng maluwag.

At kapag inisip mo na monthsary na nila, wala ka ng pakealam. Kung tutuusin pwede ka nadin magjowa ng bago e, pero para saken, 'wag muna. Alam mo na 'yung dapat gawin kapag magboboyfriend o maggegirlfriend. Paghintayin mo sila, o mamili ka ng mas better sakaniya.

Ang dami mo ng alam. Ang dami mo ng alam tungkol sa pag-ibig. You've grown up mentally and emotionally. Nalaman mo na dapat hindi magmadali, maghintay ka ng worth it sa pag-ibig na binibigay mo, at piliin mo 'yung taong kung magbigay kagaya mo.

"There are all kinds of love in this world but never the same love twice" -F Scott Fitzgerald. Galing sa movie na 'That Thing Called Tadhana'. Mag-expect ka ng bago. Mag-expect ka ng bago sa susunod mong relasyon. Mag-expect ka ng bagong magiging dahilan kung bakit ka masasaktan at magiging masaya.

Natuto kana. Sana hindi mo na ulitin. Kapag nagbigay ka, maghintay ka muna na magbigay siya, tsaka ka ulit magbigay. Dadating 'yun. At kapag dumating na 'yung taong 'yun, magpapasalamat ka talaga sa ex mo.

Tyumetyempo lang naman si God e. :)

Note: Sa mga hindi pa nakakamove-on, basahin ang huling kabanata

Hurt But Still MovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon