Kabanata I

9 0 0
                                    

Brinreak mo siya. Brinreak mo siya kase ayaw mo nang magmukhang tanga. Ayaw mo na ng ikaw yung nagsosorry sa nagawa niyang kasalanan, ayaw mo na ng ikaw yung gumagawa ng paraan para magkita kayo, at ayaw mo nadin ng ikaw ng ikaw lagi yung nagmamahal at wala ka manlang natatanggap na kahit ano.

Masaket. Masakit yung brinreak mo na siya tapos maiisip mo pa yung mga ginawa mo. Akala mo kapag mahal mo, bigay lang ng bigay, 'wag kang maghahangad ng kapalit! Kaso mali pala, kasi kapag mahal mo, bigay lang ng bigay.

Isang taon o higit pa kayong nagsama tapos mauuwi sa wala. Masakit din. Kasi hindi mo naman inaasahan na pupunta sa ganoong sitwasyon. Masaya noong hindi pa kayo umaabot sa point na alam niyo na lahat tungkol sa isa't isa, yung nagsawa na kayo sa tanong na, "anong ginagawa mo?", "kumain kanaba?", o kaya "Matulog na tayo". Aayain ka matulog sa oras na 6 PM. Hindi ka natutulog. NagcCOC ka at kapag nalipat ka sa Facebook, nakikita mo siyang online. Natutulog kayo.

Naglolokohan? Oo. Pero hindi sa tipo na may iba siya at may iba ka. Maraming ways kayo kung maglokohan, tulad nalang ng nabasa mo kanina. Naglolokohan na kayo. At pati narin yung kapag sinabi mong mahal mo siya, ang sagot niya ay kasinungalingan.

Brinreak mo siya. Ikaw nagdurusa, siya nagpapakasaya. Matalino ka kasi brinreak mo siya. Naging tanga ka lang kase pinaabot mo pa sa sitwasyon na ayaw mo na siyang mawala. Gusto mo siyang itext? Gusto mo siyang tawagan? 'Wag! Kase nag-eenjoy siya, mang-aabala ka lang.

Sana makalimutan mo siya. Para hindi yung gabi-gabi ka nalang umiiyak, basang basa na unan mo. Tapos maaalala mo pa siya sa umaga kaya maiiyak ka nanaman. Okay ka lang? Oo okay lang. Normal 'yan. Normal 'yan sa taong nagmamahal. Ang abnormal eh yung kapareha mo na nag-eenjoy kasama 'yung mga kabarkada niya. Parang walang pagluluksaan.

Hanggang kelan kaya aabot 'to?

Note: Basahin mo 'yung susunod na kabanata after 1 month.

Hurt But Still MovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon