Kabanata II

5 0 0
                                    

Isang buwan na nakalilipas. Iniistalk mo padin yung Facebook account niya. Hindi parin siya nagpapalit ng password kaya masaya ka. Kaya mababasa mo pa lahat ng kachat niya. Tapos masasaktan ka nanaman. 'Wag na. 'Wag mo ng ipilit na magiging isa ka sa mga 'yon. Masaya na siya.

Tinext mo siya. "Blankspace". Tapos magrereply siya, kikiligin ka, tapos rereplyan mo pa ng "Ah wala. Wrong send. Sorry." Tapos wala na. Wala ng response. 'Wag mo nang ipilit, hanggat pinipilit mo, masasaktan at masasaktan ka lang eh.

Alam kong umaasa kapa sa ganitong sitwasyon. Tanga. Gusto mo pang maibalik 'yung dati? Gusto mo pa ulit masaktan? Paano pag yung naging kayo ulit eh siya na yung makipagbreak? Ano? May magagawa kapa? Wala. Wala diba? Siya na nagdesisyon kaya wag mo ng ipilit yang nararamdaman mo. Lahat ng sugat naghihilom.

Isang buwan na. Parang ang tagal tagal pero bakit 'di mo padin siya makalimutan? Naaalala mo padin 'yung panahon na nakipagbreak ka sakaniya. Sabi niya, "ayoko. Hindi ko kaya." At dahil galit ka, nireplyan mo siya ng "Sige. Hinde. Pero 'wag mong aasahan na ako padin 'yung date." Wala ng response. Tinawagan mo, "Cannot be reach". Baka lowbat? Lowbat ng isang buwan.

Inip na inip na 'ko. Gusto ko nang makapag move-on. Nakakailang kain ka na ng sweets, na halos pati asukal niyo sa bahay ay nakain mo na. Huwag kang maniniwala sa mga kasabihan na 'yon. Magpaganda ka o magpapogi. Para magsisi siya? Hindi. Para sa sarili mo. Mahalin mo 'yung sarili mo. Hindi 'yung kaibigan mo, 'yung mga kamag-anak mo, 'yung makakatulong sa'yo, kung hindi lamang ikaw. Ikaw 'yung makakapagpabago sa kinalalagyan mo ngayon.

Sawa kana diba? Pwes. 'Wag ka nang umasa na babalik pa siya. Move-on.

Note: Basahin muli ang susunod na kabanata after 1 month.

Hurt But Still MovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon