One day there was a couple na pinagkaitan magkroon ng anak, Sa paghahanad nilang magkaroon ng anak taimtim na nanalangin ang mag-asawa
"Panginoon kami po ay humihiling ng isang biyaya na kahit ano pong maibgay mo , na kahit ano pang itsura niya tatanggapin po namin ng bukal sa loob"
Lumipas ang ilang buwan, nabuntis ang babae at nanganak, ngunit sa di nila inaakalang pagkakataon isang napakapngit ang isinilang na sanggol ng ina.Sa paglaki ng bata ne minsan hindi siya nakramdam ng pagmamahal ng isang magulang.Malungkutin,mahiyain ang bata,kinakahiya siya ng kanyang mga magulang dahil sa itsura nito.
Nagtanong ang bata sa ama't ina nito
"Mama,Papa Bakit hindi nyo ako magawang mahalin tulad ng isang pagmamahal ng ibang mga bata ng kanilang mga magulang?
Malungkot itong umalis sa harap ng kanyang mga magulang.Nagdesisyon ang mag-asawa na magbakasyon sa baguio.
"Anak pupunta tayo ng baguio ipapasyal ka namin ng papa mo para naman mkabawi kami sa lahat ng pagkukulang namin sayo."
Ang hindi alam ng bata ito'y isang pagkukunwari lamang. Masayang nakangiti ang bata at iyon ang pinakamasayng araw na nagyari sa buhay niya na tawagin na isang "anak".Yumakap ito ng mahigpit na mahigpit tila ba'y isang kaawa awang batang humihingi ng atensyon at pagmamahal ng magulang.Dumating ang araw na pinakahihintay niya natupad ang kanyang hiling. Masayang masaya ang bata sa araw na yon subalit ang araw na yon ang isang pangyayaring mapait na karanasan.Sa isang matirik na bangin huminto ang kanilang sasakyan.
"Mama,Papa Bakit po tayo huminto nandito na po ba tayo sa baguio?"
Tanong ng bata."Sa wakas matatapos din ang paghihirap namin sayo kinamumuhian ka namin ng ama mo kahit kailan hinding hindi ka namin matatanggap bilang isang anak at dyan sa bangin na yan itutulak kita.
At dyan ka nararapat."Napaluha ang bata.
Sige mama papayag akong itulak nyo sa bangin na yan kung yon lamang po ang tanging paraan para maging masaya kayo d ko kayo pipigilan sa gusto nyo pero bago nyo po ko itulak tandaan nyo mahal na mahal ko po kayo. Wala akong hinangad ang kundi pagmamahalan ng isang magulang peru nabigo ako.yumakap ito ng napakahigpit.Naantig ang puso ng mag-asawa naawa sa kanilang anak yon na sana ang pagkakataon para makabawi sa lahat ng pagkukulang nila ngunit sa kasamaang palad aksidenteng naitulak ng ina ang bata.
Makalipas ang ilang taon matapos ang masaklap na nangyari humiling ulit ang mag-asawa ng isang magandang anak.Natupad ang hiling ng mag-asawa.Lumaking maganda ang bata.Masayahin,mapagmahal at lahat ng gusto nito ay nasusunod ng kanyang mga magulang maranggyang buhay ang kanyang natatamasa.Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang at wala na siyang hihilingin pa.Sa edad na pitong taon ng bata nagdesisyon ang mag-asawa na pumunta ng baguio para doon ganapin ang kanyang kaarawan.
"Mama,Papa San o tayo pupunta"? Tanong ng bata
"Sa baguio anak siguradong magugustuhan mo doon" sagot ng ama
Hindi tumugon ang bata. Habang nasa bayahe napansin nilang tahimik ito.
"Anak mahal na mahal ka namin lahat ng gusto mo ibibigay namin sayo hiniling ka namin sa diyos."
Tumingin ang bata sa matirik na bangin at tumingin sa magulang nito.
"Mama Papa huwag nyo na po ako itutulak ulit ha?"
