I don't have any friends here, lahat sila ay nasa bahay ampunan. I'm all alone, I have nothing.
"Kamusta kana riyan?" tanong ni mother mula sa kabilang telepono.
"Okay naman po, miss na miss ko na po kayo." nalungkot ako bigla, bakit ganun? Kung kailan nakalaya na ako roon tsaka naman ako nalulungkot.
"Miss kana rin namin lalo na si Natashia lagi siyang nangangamusta sayo."
"Pakisabi po sakaniya okay lang ako rito."
"Oo makakarating, Osiya ibababa ko na ito at may gagawin pa kami ha? Lagi kang mag-iingat diyan sobrang delikado ang mundo kung alam mo lang."
"Opo alam ko po, kayo rin po mag-iingat po kayo riyan." ibinaba na ni mother ang telepono, hayss... pupunta pa pala ako ro'n sa bata.
Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang babaeng naka black na dress, puti ang buhok at may mahabang black na stick din siyang hawak at may gloves din.
"Uhm... Sino ka po?"
"My name is Afra." nakangiti siya sa akin.
"Anong maitutulong ko sayo?"
"Diba 18 years old kana? "
"O-opo, paano mo nalaman?" nakakatakot naman 'to, pero sobrang ganda niya.
"Hula ko lang hahaha, don't be nervous hindi ako nananakit ng mga tao."
"P-po?"
"I said, I don't hurt humans. Trust me."
Minsan napapaisip ako kung saan ako dinala nila mother Maria. Bakit mukhang ang weweird ng mga tao rito?
"Don't think too much, btw gusto mo bang makakita ng pera?" h-ha? pera ba kamo?
"Uhm... B-bakit po?" ngumiti siya sa akin.
"May iaalok sana akong trabaho para sayo." hinawakan niya ang mga kamay ko.
"A-ano po?."
"Wala kasi akong ibang kaibigan dito, gusto ko sanang magkaroon kahit isa lang."
"Ah ganun po ba?"
"Yes, pwede ba kita maging kaibigan? Don't worry suswelduhan naman kita, you will earn money by just being my friend."
"h-ha?" wait kailan pa naging trabaho ang pagiging kaibigan? Ganito ba siya ka-desperada magkaroon ng kaibigan?
"You don't want? It's a pity because I really don't have any friends."
"Hindi naman sa ayaw ko pero...Nantitrip ka po ba? Hehe sinong kikita sa pagiging kaibigan mo?"
"Ikaw, I already told you earlier na kikita ka ng pera basta papayag kang maging kaibigan ko. At wala akong oras para manloko ng tao, mahirap mabuhay ng mag-isa wala kang kilala, wala kang makausap tungkol sa mga problema mo, walang sigla ang lahat kapag mag-isa ka lang na aabot sa oras na gusto mo nalang magpakatamay."
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot, sa totoo lang halos parehas kami. Parehas kaming mag-isa walang kaibigan pero dati yun hindi na ngayon dahil may mga kaibigan na ako kaso di ko sila kasama.
"O-osige papayag ako, pwede ko bang makuha ang number mo? Para pag kailangan mo ako macocontact mo ako."
"Sure." nag palitan na kami ng phone number, paalis na siya nang may naalala ako muntik ko na namang makalimutan.
"T-teka!"
Lumingon naman siya agad sa akin, tumakbo ako palapit sakaniya. "Yes? Do you have something to say?" nakangiti pa rin siya sa akin, sobrang ganda ng ngiti niya.

YOU ARE READING
The Music of Pain and Love (On-Going)
RomanceHave you ever heard a music where you can feel the pain of love?