PROLOGUE

23 5 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.



Expect some grammatical and typographical error .



                                                                                     ---


6 years old pa lang ako alam na alam ko na ang arrangement ng alphabet. Well syempre lahat naman ata ng tao alam 'yon.



My name is Aillie Gaile Crisostomo, yes tama nga ang pagkakabasa mo. My name starts with Letter A kasi sabi ni mama maganda kapag letter A kasi lagi kang uunahin, bata pa lang ako pinaniwala na niya sa'kin na letter A ang laging una, hindi buo ang alpabeto kung walang letrang A. At gusto ni mama ako ang uunahin ng magiging jowa ko in the future, as if naman may nagugustuhan na ako kaloka. 


And yes yung paniniwala ni mama about Letter A ay naadopt ko hanggang sa lumaki na ako, at ako ang naunang pumila rito sa café pero bakit may sumingit sa harapan ko.


"Ah excuse me."


Ha? ang kapal naman ng mukha neto like hello?? nauna ako sa pila tapos sisingitan lang ako? kapeng-kape na ako!


" Excuse Mr. ...." tumingin pa ako sa harap or chest part niya para maghanap ng i.d pero napahiya lang ako kasi wala akong makita.



"Excuse me Mr. kung sino ka man, saan ka kumuha ng lakas ng loob para sumingit tapos sasabihin mo excuse me?" Hindi pwedeng mananahimik lang ako no, di lang naman ako naaagrabyado rito pati yung mga nakapila sa likod ko.


" Miss can you please shut up? nagmamadali ako, may class pa ako at malelate na ako."

Ay wow? so ako pa mag aadjust?


"Sabik na sabik ka ba sa kape kaya ka ganyan? hindi ka ba marunong magbasa? First come first serve o dun ka sa likod!"


Bwisit, imbes na pumunta sa likod tinalikuran lang ako susumbong ko to kay Kuya Rb e. Pero ba't ba kasi ang tatagal mag serve ng mga staff dito?



Instead na makipagtalo sa taong 'to tumahimik nalang ako. He is taller than me kaya naman hindi ko nakikita kung ano nang ganap sa may cashier, while looking at his back naalala ko yung pagtatalo namin kanina infairness cute siya at mabango tignan. Hindi siya yung mukhang cheap pero mahangin tapos mukhang maasim, you know what i'm saying?



"What are you looking at?"


Huh?



"Ano?" ano raw tinitignan ko siya?



" Sabi ko ba't ka nakatingin? gwapong-gwapo ka ba sa likod ko?"



Luh okay binabawi ko na mahangin pala siya.

AWhere stories live. Discover now