01

22 3 3
                                    


I already got my coffee and I was in a hurry dahil hindi ko napansin na 15 minutes late na pala ako sa first class ko! Buti na lang hindi masyadong malayo ang café sa building namin since nasa loob lang naman ng campus yung coffee shop.



Naglalakad ako sa corridor papuntang room nang makita ko si Rea tsaka Ria yung magkambal kong pinsan at the same time bff's ko.



"Hoy kambal!" 



Napasobra yata yung pagkasigaw ko kasi napatingin sakin yung mga naglalakad.



"Gagang 'to eskandalosa ka te?" tawang-tawa pang sabi ni Rea habang naglalakad papunta sakin.


" Baliw naexcite lang ako, bakit nasa labas pa kayo may class diba? tara naaa late na nga ako e."



"Gaga walang class"  sabi ni Ria while licking her lollipop in a seductive way? yuck?



Etong isang 'to ang laki talaga ng pinagkaiba kay Rea, si Rea kasi okay naman siya busy sa online games pero hindi naman napapabayaan ang acads while Ria naman she loves to go out like party and club pero hindi rin napapabayaan ang acads.



Inabutan ko sila ng coffee na binili ko roon sa may coffee shop at hinila ko sila pabalik sa room. Kwinento ko yung mga nangyari sa shop as usual si Ria yung may pinaka oa na reaction since naniniwala ata 'to sa destiny thingy, kahit yung incident lang na 'yon s coffee shop destiny na agad? ewan ko ba rito.


" Pogi ba? " tanong ni Ria


" Hmmm nakakainis siya pero oo pogi HAHAHAHAHAHA "


wtf, oo na nag agree ako kasi pogi naman talaga hindi ko na 'yon ipagkakaila.


"Hoy Ria babaeng hindot tumigil ka nga mas kinikilig ka pa kay Aillie may boyfriend kana diba? hindi pa nga alam 'yan nila mama" sabi naman ni ATE Rea


Kidding Aside actually magkasing age lang naman kami, we're 18 years old pero mas matanda kasi sila sakin ng buwan so yeah, and si Rea kasi yung parang tumatayong ate samin ni Ria and mas matured siya mag-isip, bata pa lang kami magkakasama na kami including Heilene Quiesha Crisostomo cousin ko sa side ni papa.


" Ayan yari ka kay tita Margareth may jowa ka pala hindi mo sinasabi, samantalang ako... "


Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko kasi pinutol agad ni Rea


"Paanong di ka magkakajowa e ikaw na nga mismo umaayaw, pag may crush ka ayaw mong iccrushback ka kasi natuturn off ka kaagad!" sigaw ni Rea sa'kin


" True " - Ria


Totoo naman, ayoko muna kasi takot ako e. Takot akong makipagcommit, yes nandon tayo sa point na magkakagusto tayo sa tao pero marerealize mo na di ka pa pala ready. Sa daming nangyayari sa mundo maiisip mo na oras na ba para makipagcommit? andaming what ifs na pumapasok sa utak ko.


What if di pala siya?


What if di pala siya seryoso?


Andaming pumapasok sa isip ko kaya nung binanggit ni Ria 'yon  tumahimik nalang ako, umupo nalang ako sa upuan ko then sipped my coffee wala na lumamig na yung kape ko. While sipping my coffee nagdesisyon akong sumilip-silip muna sa bintana kasi matagal tagal pa naman yung next class. While enjoying the view outside our classroom biglang may nahagip yung paningin ko sa may corridor, isang familiar na mukha. Mukha ng lalaking kinaiinisan simula kaninang umaga na kung saan naglalakad papunta at papalapit sa classroom namin.


What? Classroom namin?! Nasa kalagitnaan na kami ng first semester ngayon ko lang siya nakita rito!



Nataranta ako hindi dahil sa kinakabahan ako na baka maging kaklase ko siya, natataranta ako kasi naiinis ako kapag nakikita ko at naalala ko yung nangyari samin sa shop, nakakainis!


Nang papalapit na siya tinakpan ko nalang ang mukha ko at umiwas ng tingin sa bintana, nagkunwari akong natutulog para hindi ko siya makita. 


Inangat ko yung ulo ko at chineck ko kung dito ba siya pumasok, buti nalang sa katabing room siya pumasok whoo!


"Hey Aillie are you okay?" sabi ni Rea halata sa mukha niyang naweweirduhan siya sa kinikilos ko.


"Did you saw him?" 


"Who's him?" nagtataka na siya halata sa mukha niya.


"Do you mean the guy who passed by?" singit ni Ria, mukhang singit talaga to e /j.


"Oo siyaaaa!" 


"Oh anong meron, kakaltukan na talaga kita nalilito na'ko sayo! " uh-oh yari kay Ate Rea


"Siya kasi yung sinasabi ko sainyong guy na nakaalitan ko kanina sa coffee shop!"


"Huh? si Jay?" sabi ni Ria


"So bakit mo kilala?" sobra na yung pakikisocialize ni Ria pati di naman kapansin-pansin na tao kilala pa rin.


"Malamang kapatid 'yon ng jowa ko atsaka kasali sa basketball team nila, anong klaseng tao ka ba Aillie di mo ba siya napapansin sa loob ng campus? kasama ka naman namin kapag nanonood ng laro ah!"


"Kapatid ni Drei?!


"Oo!" sabay na sabi ni Rea at Ria


Ewan ko nalilito na'ko, una sa lahat ano bang pakielam ko sa taong 'yon pangalawa hindi ko naman na siya makakasalubong or what kaya ano bang dapat kong ipag-alala?


I was busy thinking about different things and kasali na yung taong 'yon nang biglang pumasok yung prof namin sa Elscie.


"Good morning! We will be having a quiz today class so let's start"



Ano ba yan may umeksena't dumagdag pa sa iniisip ko!


AWhere stories live. Discover now