02

18 4 2
                                    


Natapos naman ng matiwasay yung quiz namin sa Elscie, hindi ko alam kung anong ganap sa campus namin today kasi napakabusy ng mga tao pati na ang mga prof. namin sadyang umeksana lang ang professor namin sa Elscie kanina. Since maaga rin naman kaming nagdismiss nagdesisyon akong puntahan si kuya Rb sa kabilang building, Med student siya rito sa Greenbell U at ako Grade12 kaya naman madali na lang para sa'kin ang bwisitin siya.


Pagkarating ko sa building nila nakita ko na agad siya and yung mga kaklase niya kaya naman tumakbo ako papalapit sakanya.


"Kuyaaaaa!" tinawag ko siya habang naeexcite kasi may ipapagawa ako sakanya hmm.


"Oh ano nanaman 'yon? ba't ka nandito tapos na class mo?" Kinurot niya pa ako "Nag ditch ka ba ng class?"


"Huy grabe kelan ako nagditch ng class? wala kaming class busy mga prof. kaya magrelax naman tayoooo" magpapabili kasi ako kaya naglalambing ako, may pera naman ako pero iba pa rin kapag libre.


"Tara nagugutom ako sa'n mo gustong kumain?"


Niyaya na ako ni kuya paalis sa tapat ng room nila, pero habang papalayo kami may napansin akong babaeng nakatingin sa gawi namin pero hindi siya nakatingin sakin, kay kuya? Baka crush nanaman siya.


"Kuya may nakatingin sayo oh tignan mo" tinuro ko yung babaeng matangkad at maganda.


"Classmate ko but we're not close, tara na nagugutom na'ko ang dami mong nakikita!" hinila na niya ako. 


Iritado masyado

***

We're already at the restaurant we're we planned to eat, sobrang gutom na siguro si kuya kaya naman pagkarating namin sa resto ay nag-order na agad siya puro heavy meal pa! baka nalilimutan netong nagdadiet siya.


"Kuya gutom kaba? dalawang order ng heavy meal yan o may dessert pa?" I asked nervously kasi alam kong kapag naweweirduhan ako sa kilos niya naiinis agad to, daig pa mga babaeng may dalaw kapag mag suplado to e.


"Di ako nagbreakfast, tas ang tagal pa ng class walang breaktime sinong 'di magugutom don?" He replied while eating his kebab.


Agad-agad kong kinuha ang phone ko at di-nial ang number ni mama, kaya nagulat si kuya nang makita niya akong may hawak na phone habang kumakain kami, ayaw niya kasi ng ganon nakakabastos daw sa pagkain.


"Hello ma?" Bungad ko kay mama at kitang-kita ko kay kuya yung gulat ng mata niya.
"Ma gusto ko lang malaman mo na hindi nagbreakfast si kuya love you bye!"


Alam naman ni kuya na ayaw na ayaw ni mama na nalalagpasan namin ang breakfast kaya naman grabe nalang yung tingin sa'kin ni kuya, wrong move ata.


"Wtf Aillie what was that? gumamit ka na nga ng phone while we're eating then sinumbong mo pa ako kay mama?!" uh oh.


"Eh kasi naman ba't di ka kumain kanina atsaka excuse me nasa kainan tayo so stop cursing!!" I exclaimed, pero kinakabahan na ako deep inside 'cause i know he's already pissed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AWhere stories live. Discover now