Kabanata 1

90 6 0
                                    

Kabanata 1
Ba't 'di pa patulan?

Nagmamadali na naman siyang pumaasok.

Normal lamang sa isang mag-aaral na laging puyat.

Nag-aaral siya sa isang mumurahing Pamantasan. 

Na-broken ng apat ng beses. Pero dalawang beses pa lang nagkarelasyon.

Kung tatanungin mo kung paano nangyari 'yun, siya lang kasi may alam na may karelasyon pala siya. Apir sa mga one sided diyan.

Self analyzer, may daplis ng pagka-introvert. Observant, keen observant. 

Lahat ng bagay may diskusyon sa utak niya. May makita lang na magka-holding hands na couple, nag-iisip na ng kung anu-ano.

Tulad ng "Mamaya buntis na 'yan si ate." o kaya "kabataan talaga ngayon".

He always look at himself as a failure. He fails in love. And love is the norm of the world. So that means he fail in life. Melodramatic putspa.

Sila nalang ng Mama niya ang buhay.

Buhay pa rin naman tatay niya, kaso mga ilang beses niya na rin pinatay tatay niya sa isip niya.

Iwanan ba naman nanay mong na buntis at malayo sa mga kamag-anak nito, anong mararamdaman mo?

Naiimagine mo na ba siya?

Sapat lang ang mukha. Hindi kataasan para maabot kung sino man ang sa pamantayan ng tao na gwapo, pero hindi rin kababaan para masabing panget.

Hindi maputi, hindi rin kaitiman. 

In between kumbaga.

Matangkad kung ikukumpara sa mga bumasag ng puso niya (lahat ng nagugustuhan niya kasi parang kasya sa wallet). 

Maliit kung itatabi sa mga basketbolero ng NBA (hindi siya nagbabasketball).

Maaga siya lagi pumasok. Hindi nagpapa-late. Ayaw niya ng atensiyon. Nampapahiya ang first prof niya lagi. Diyos-diyosan effect akala mo hindi rin nale-late.

Lowkey lang. Lagi niyang feeling na nakatingin sa kanya lahat kapag nahuhuli siyang pumasok.

Ayaw niyang pinagmamasdan lahat ng gagawin niya.

Lagi siyang nako-conscious na baka magkamali siya. Na baka may katangahan siyang gawin, tapos tumawa silang lahat. 

Sapat na naliligo kapag kailangan, pero dahil ayaw nga na nahuhuli, minsan nagmamadali. Basta nabasa ang mukha at nakapag-toothbrush o minsa'y nag-aalis lamang ng tinga gamit ang toothpick, ayos na. 

Maaga ang uwian nila ngayon.

Siguro dahil tinatamad na rin ang prof nilang magturo ng kung anu-ano dahil sa lamig ng panahon at dahil baka maabutan pa sila ng traffic. Nagtutunas na ng tubig ang aircon ng silid. Isa ito sa mga nakakatawang parte ng kanilang paaralan. Nagbabayad sila ng laboratory fee na 600 pesos kahit wala namang laboratory tools. Air con lang. Functional naman ang aircon. Nabubuksan pa naman ang switch. Ang problema lamang ay hindi napapatay. Kailangan pang bunutin sa plug. Katas ng korapsyon, second hand ang aircon.

Malamig na rin ang simoy dahil magpapasko na, kaya nagiging compulsive buyers na ang mga kapwa Filipino niyang nagiging religious lang kapag end of the year. Kani-kaniyang punta sa simbahan upang makumpleto ang siyam na pagsimba para makahiling sa huli. Ang nakakatawa dito, matapos ang pagiging banal, nagiging paniwalain sa suwerte dahil kani-kaniya namang bili ng tikoy (para magbuklod ang mga pamilya, dapat pinamimigay 'to sa bawat pamilyang Pinoy), at labindalawang iba't ibang klase ng bilog na prutas. Faith by necessity. 

Choose MeWhere stories live. Discover now