Kabanata 3

20 2 2
                                    

Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako.

"Bata pa tayo, Marck. Kung tayo, tayo talaga."

Sagot ni Eryel sa masugid na manliligaw. Six years and still, ito sila.

Kung lilingunin mo pabalik ang mga nangyari sa kanila, matatawa ka. 

Jump to past.

Varsity player si Marck ng school. Si Eryel? Estudyante lang. 

Sportsfest ng university. Player si Marck ng College of Commerce. Finals na ng basketball. Commerce laban sa Engineering. 

Utas na ang lahat sa sobrang sikip ng venue. Hindi mo na ramdam ang malamig na simoy ng nag-iisang lugar na air-conditioned sa school nila. Hindi naman siya masikip, sobrang dami lang talaga ng mga nanonood. Players ba naman ng engineering at commerce magkalaban, edi majority gwapo. Labas lahat ng mga kipay. 

Naghihiyawan ang mga tagasuporta ng mga taga-dilaw, at mga taga-pula. Mayroon ding galing sa ibang college kasi nalaglag na ang teams nila. Magkakadikit ang mga siko at tuhod ng bawat isa. Syempre, tuwang[-tuwa ang mga manyakis na lalaking may katabing babae. Jackpot. Kunwari sisigaw lang pero isasagi na ang siko sa dibdib ng katabi. Mga hindi na nahiya.

Fourth quarter, lamang ang engineering ng dalawang points. 

Walong segundo, sa Commerce ang bola. Pinasa ng team captain kay Marck. Huminto sa pagpintig ang tibok ng puso ni Eryel, at ng iba pang manonood. Tumama sa mga palad ni Marck ang bola. Tumalsik ang mga namuong pawis sa kamay niya, dahil na rin sa puwersa ng bola.

Anim na segundo, nasa tapat ng bench na inuupuan ni Eryel si Marck, three-point line. Naka-slow motion na ang lahat, karamihan ay kagat a ang mga labi o kaya'y nakakuyom na ang mga kamao sa antisipasyon. Wala pang isang metro ang layo ni Marck kay Eryel.

Apat na segundo, tumigil sa pagtibok ang puso ni Eryel. Literal. Bumagsak si Eryel, face-first, kasabay ng pagbitaw ni Marck ng bola. Hindi na niya nakita kung pumasok sa ring ang bola. 

Dalawang segundo, nagsigawan na ang mga tao. Nakita ni Marck si Eryel. Nagtatalon ang isang team.

Tumunog na ang buzzer. 

Two hours after ng finals, nasa hospital pa rin sa loob ng university si Eryel. Pagmulat ng mata, nakita niya ang kulay berdeng hospital gown. Nakita niya rin ang dextrose na nakakabit sa kanya. Nakita niya rin na may nakatayo sa pinto. Nakita niya si Marck.

Naka-uniporme pang panglaro ang binata. Bakit siya narito? Tanong ni Eryel sa sarili. Member na rin ba siya ng 911? 

"Oh, seems you're awake. Are you fine?", tanong ni Marck.

Very much fine. Charot. "Ayos lang ako. Bakit ka nandito? Nahimatay ka rin?" Sigurado si Eryel na nahimatay siya, of course. Bakit nga naman siya mapupunta sa hospital ng trip trip lang?

Tumawa lang ang lalaki. "Nope. It seems you are so thrilled by the game you fell by the remaining seconds. Finance major?"

Shet. Qaqo ka Eryel, anong ginawa mo sa game? "Ah. Sorry. Nakakahiya. I'm rooting for you kasi." sabi ni Eryel, halatang lutang pa rin.

Tumaas ang kilay ng binata, kasabay ng pagkunot ng right side ng noo nito. Napaisip si Eryel kung bakit. Shet. Ulet.

"You are rooting for me?"

"No. Yes. Ay, no! I'm rooting for your team. Your team! Golden Dragons pa rin."

"Oh. Akala ko.", sabay tawa ng binata na parang ngayon lang nakuha ang ibig-sabihin ni Eryel.

Choose MeWhere stories live. Discover now