Kabanata 2Kay 'di ta uyab, wala'y ikaw ug ako, Apan kung magselos ko, ayaw pabuot.
(Dahil hindi tayo, walang ikaw at ako. At kung magselos ako, hayaan mo ko.)
Traffic na naman. Holiday season kasi. Nagkukumahog ang sambayanang Pilipinas na makapagsaya sa pasko, kani-kaniyang dampot ng pang noche buena habang hindi pa nagkakaubusan.
Habang abala ang lahat, abala rin si Efraim magbuhat ng mga gamit na pinamili si Lissa.
Si Lissa na classmate niya na since grade 4.
Si Lissa na anak ng Barangay Chairman.
Si Lissa na dahilan kung bakit siya nag-pumilit na pumasok sa private school, kung saan papasok rin si Lissa.
Si Lissa na dahilan kung bakit lagi siyang nakangiti kapag papasok sa school.
Si Lissa na Salutatorian nung high school sila, habang si Efraim ang Valedictorian.
Matagal na silang magkasama, pero ang pinakamasakit para kay Efraim, hanggang 'kasama' nalang siya sa babaeng dahilan kung bakit siya NGSB.
"Ef! Bilisan mo ang haba na dun sa cashier!", sigaw ni Lissa habang nakangiti ang labi nito, pati na ang mga mata. Lusaw ang bawat hibla ng pagod sa katawan ni Ef.
"Eto na! Kung alam ko lang na ganyan karami bibilihin mo edi sana kumuha tayo ng cart. Pupusta ako, nagpadala na naman Daddy mo?" tanong ni Ef habang bitbit ang dalawang bag ng Payless Pancit Canton, isang kahon Spicy Labuyo, isang mahabang paper bag na may lamang walis tambo na nakalaylay pa ang mga hibla at kumikiliti sa baywang niya habang naglalakad, at iba pang pakete ng mga instant pagkain para sa buhay ng tao na instant lang din.
"Oo. Pakonswelo kasi 'di siya makakauwi ngayon. Doon muna daw siya magpapasko sa mga Original. Bahala na muna kaming mga factory reject."
Anak sa labas ang turing ni Lissa sa sarili niya.
Pero ang totoo niyan, ang Mommy niya ang unang kinasama ng Daddy niya.
--
Ang Mommy niya ang nagtitinda pa noon ng banana cue sa harap ng school namin na siyete pesos ang isa para lamang makaipon sa pang-apply ng Daddy niya patungong Dubai.
At noong nakalipad ang Daddy niya, ayon, nakahanap ng ibang babae. Maganda naman ang nanay ni Lissa.
Kaya nagtataka pa rin siya kung paano nito nagawang iwan ito at bumalik ng Pilipinas nang may tatlo nang anak, kasal na, at may sarili nang bahay sa Batangas. Ang labas, ang nanay ni Lissa ang kabit.
Graduation noon nila. Nalaman ni Lissa ang masalimuot na balita noong umaga ng pagtatapos. Hindi siya umiyak. Lumukot ang kaniyang mukha ngunit hindi siya umiyak.
At iyon ang pinakamasakit. Ang hindi pag-iyak kahit alam mong deserve mong umiyak.
Siguro kasi kahit deserve mong pumatak 'yong luha mo, hindi 'yon deserve ng mga taong dahilan para pumatak 'yon.
Dumating ang Daddy niya sa Colegio de San Mateo, ang high school kung saan pinilit ni Efraim na pumasok para masundan lamang siya.
Noong sasabitan na sila ng mga medalya, umakyat ang tatay niya na siya niyang ikinagulat. Tinanong ng mga guro at punongguro kay Lissa kung sino iyon, at nagulat siya sa lumabas sa mga bibig niya.
YOU ARE READING
Choose Me
RomanceTatlong kwentong hinabi ng tadhana, pinilas ng panahon, at muling itinahi ng pagkakataon.