[ irl ]

25 1 0
                                    

12.5.21

so hi!!

so nagbirthday kahapon nung kaibigan ko si friend 1

wala siyang sinabi sa gc namin na punta kami sa bahay niya kasi diba nga birthday edi diba malamang may handa pero wala siyang sinabi

then nung mag hapon nakita ko nalang yung myday ni friend 2 ko kasama niya si friend 3 at 4

uhm.. well sa katotohanan parang ang talagang friend ko sa kanila is si friend 2 napapasama lang ako sa mga gatherings nilang magkakaibigan kasi nga friend ako ni friend 2 at dati din naman nila akong kaklase

si friend 2 kasi, siya lang talaga yung nakakausap ko and kumportable 'kong nakakasama actually im still not comfortable but im trying ok, im trying to act natural with them but i just can't

nung una kong makita yung picture na 'yon ang unang tumakbo sa isip ko ay "Wow ha! May pa party pala hindi man lang nag-imbita pero ok lang naman hindi din naman kami gaanong ka close ni friend 1" but then few seconds later nasasaktan nalang ako

i mean can i call someone na hindi ko ka-close a friend? kaibigan ba talaga nila ako? kaibigan naman ang turing ko sakanila kahit hindi kami ganon ka close, hindi ba nila nararamdaman?

nakalagay yung picture naming lahat sa feature collection ko sa fb which is a wrong move pala so dinelete ko nalang lahat ,, i even posted our picture together on fb to cherish the memories na magkakasama kami pero naka only me lang

nung nakaramdam na ako ng sakit is naramdaman ko na rin yung pag ka out of place ,, sa sobra kong pag ka understanding pati yung mga sign ng di ka belong nau-understand or mas tamang sabihin na nam-mis understand ko pero siguro mas bagay yata na katangahan ang itawag dito tawag dito 

alam niyo ba yung pangyayari na binibigyan ka na niya ng sign na nagc-cheat siya sayo yung marami siyang kachat na babae tapos nahuhuli mo pa siyang may kasamang ibang babae tapos may binibigyan pa siya ng flowers etc.

pero nasa isip mo "kagrupo niya yata 'to so sure why not mag usap lang kayo", "bumili sila ng art supplies daya bakit hindi nalang ako yung isinama", "baka ibibigay sa patay"

sa sobrang pagka understanding mo pati yung break up niyo naiintindihan mo "nagbreak kami siguro hindi talaga kami ang para sa isa't isa"

lowkey lang naman ako tapos silang lahat puro hyper, matagal din bago ako masanay sa lugar ng ginagalawan ko, matagal din bago ako masanay sa kasama ko pero alam niyo nakakapagod

nasama ako sa mga gala nila para sa pera ,,  yun ang sinasabi ko sa kanila g ako kahit saan kasi magkakapera ako pag gumala pero the truth is masaya ako kasi nakakasama ko sila

sa galaan walang pumapansin sa'kin siguro na gets nila na ayaw kong may pumapansin sa'kin pero you know what gusto kong walang pumapansin sa'kin at the same time gusto kong pansinin nila ako

ayaw ko na may pumapansin sa'kin kasi hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko pag wala akong nasabi tatawagin nila akong snob the audacity! but i cant blame them tho since hindi naman nila ako kilala so g lang

gusto ko rin naman kahit papaano na may pumamsin sa'kin yung pagpansin na parang magiging komportable ako kasama sila but hindi ko lang talaga ulit maramdaman yung pagka-komportable ko kasama sila

ahh putangina

W2122Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon