Sa totoo lang ang dami kong nakikitang romantic story kaso nga lang hindi ako ganoon ka-fan ng romance lang so hindi ko na binabasa pero minsan may ilang nac-caught ng attention ko pagsala sa mga badboy ganern ay mga action na may konting romance or fantasy na may konting romance or family prob (yung fam prob na may pipiliin mo nalang magpakamatay) or tragic tapos may light romance, basta anything na may light romance. Hindi ako fan ng heavy romance 'yong tipong aabot ng napakadaming chapter tapos puro paghaharutan lang. Reading heavy romance is so not me.
—Wendy Feb. 14 2022
...
Nabo-boring-an kasi talaga ako kasi you know. May nababasa naman ako na talagang pure landian lang kaso nga lang pag naging sila na nagba-back out na ako tapos na wala na hanggang do'n lang yung nababasa ko.
Tapos meron pang ilang character pero pwede din naman totoong tao, na ginagawang oxygen ang lalaki so ya
Hindi ko din naman sila masisi kung ganoon talaga nila ka-MAHAL yung tao pero sana naman kung totoong tao ka tapos sasabihan mo yung taong iiwan ka ng "Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka— blah blah blah" nahiya bigla yung oxygen, pagkain, tubig etc. na dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay ka.
Nasanay ka lang na palagi siyang nand-dyan sa tabi mo pero kaya mo namang mabuhay ng wala siya. So sa'n na napunta yung unang topic patungkol sa pagka-ayaw ko sa heavy romance? Nawala na 'di ba? Yung ganda ko lang ang hindi nawawala. :)
—Wendy Feb. 14 200022
btw happy hearts day.