Prologue

7 0 0
                                    

Panibagong simula ang nagdaan sa buhay ng isang estudyante patungo sa Senior Highschool. 

Hindi niya ramdam ang mga karangalan na nakukuha niya sa kanyang buhay. Basta ang alam niya sa sarili niya ay wala pa siya sa gitna ng hamon ng buhay. Abala kasi siya sa pagpapatunay sa kanyang magulang na pwede na siyang pagkatiwalaan sa mga desisyon sa buhay. Sa maikling salita, nais niyang ipakita na nagsusumikap siya bilang maging isang responsableng tao.

Takot sa pagkakamali. Pakiramdam na isang kawalan pag nagkamali. Kaya laging pinapakita sa tao ang mga mabubuti at tamang bagay sa kaniyang buhay. Hindi pinapakita na mahina at hindi kaya. Basta sa pag may kailangan ng tulong, siya ay nandyan para sa lahat.

Pero, paano pag siya naman ang nangailangan? May matatakbuhan kaya siya?

Nakatatak na sa kanyang isipan ang makapag tapos ng pag aaral, bumawi sa magulang, at maging isang mabuting anak, kapatid, kaibigan at estudyante.

Maayos at pulido ang planong nabuo ni Kai sa kanyang isipan kung paano tatakbo ang buhay niya sa hinaharap. Plano niya sa pag aaral, sa pamilya at sa kasalukuyan.

Subalit, sasangayon kaya ang panahon para tuparin ang mga planong ito? O may sisira sa mga pulidong plano na pinagisipan ng matagal na panahon?

Dumating ang araw, hanggang may isang taong dumating sa buhay niya na magpapabago ng kanyang desisyon at mahahatak ang kanyang landas sa hindi inaasahan.

Hindi inaasahang panahon at pagkakataon. 

Hanggang dulo kaya'y magiging ganoon? O isa ito sa pahapyaw ng pagkakataon para sa kanya?

Ano na kaya ang susundin niya? Ang planong nabuo sa isipan o ang planong biglang nabuo sa puso niya?

Ito ang kwento ni Margux Katheliza Kainiesha Y. Isabedra. 

The Sunset Is Beautiful, Isn't?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon