Simula
Abala ngayong tag-init na bakasyon si Kai dahil parte siya ng organisasyon sa kanyang paaralan para bumuo ng isang music video school campaign para sa S.Y. 2019-2020. Nasa ika- labing isang grado na si Kai ng Senior Highschool sa pasukan na ito.
"Oh Kai, pagbutihan mo panonood sa Ate Abby mo ah. Ikaw na ang susunod sa pagiging director para sa School Year na ito." ani ng Red na kasintahan ni Abby na bagong nagtapos sa East High School.
"Grabe ka naman Kuya Red, walang papalit kay Ate Abby noh." nahihiyang tanggi ni Kai habang inaayos ang mga gamit para sa gagamitin sa shoot.
Abala ang mga miyembro ng Tracosa Theater sa paggawa ng music video campaign para sa eskwelahan. May mga nag sasaulo ng script, nag aayos ng muka, nag de-design ng set up at nag aayos ng camera.
"Grabe naman ang mga batang ito, kahit bakasyon talagang inaalay ang oras para dito. Maraming salamat sa inyo." ani ng school principal ng eskwelahan sa mga abalang Tracosa Theater members
"Wala po yon Ma'am, masaya naman po eh." Sabay sabay na sambit ng miyembro
Habang abala ang bawat isa nilapitan ni Kai ang kaibigang si Yaslyn na abala sa paglagay ng liptint sa kanyang labi sa kubo.
"Hello Ate Cas!" sigaw na bati ni Kai
Ngumiti habang nakaway naman si Cas kay Kai na may kasamang lalaki.
"Yaslyn! Dito na ba nag t-trabaho Ate mo?" Paguusisa ni Kai sa kapatid ni Yasmine na si Cas
"Ay! Oo. Ngayong school year sya magsisimula. Nag aayos na nga sila ng cubicle nila sa faculty, sabi kasi ni Sir Doner." sambit ni Yaslyn
"Ow! Ayos yan! Edi libre na tuition mo dito noh? By the way, sino yung kasama niyang lalaki?" daldal ni Kai
"Hindi ko sure pa sa tuition pero yung lalaki baka bagong employado din." paliwanag ni Yaslyn habang patango tango si Kai sa mga sinasabi ni Yaslyn dito.
Patuloy na nag aayos si Yaslyn ng kanyang sarili para sa shoot nila at si Kai naman ay sinagot ang tawag ng kanyang kaibigan na si Marie.
"Hello! Oh ano? Asan ka na? Kala ko ba papasama ka mag enroll. Andito ako sa school ngayon nag sho-shoot kami. Actually hanggang ngayon na lang ako dito kasi three days na din kaming nag sho-shoot. Kaya ngayon ka na mag enroll" banggit ni Kai
"Andito na ako, on the way na. Abangan mo na lang ako sa gate." Paliwanag ni Marie
"Sige sige. Papaalam lang ako kila Ate Abby. Bye, ingat" paalam ni Kai at binaba na ang tawag
Umalis si Kai sa kubo at nilapitan si Abby na nag aayos ng camera sa may quadrangle.
"Ate Abby, mag enroll lang kami ng kaibigan ko saglit ah. Babalik din ako." paalam no Kai
"Sige sige. Wait lang, papa company call lang ako para sabay sabay na tayong mag lunch." paliwanag ni Abby
"Company Call!" sigaw ni Abby
Lumapit at nag sitakbuhan naman miyembro ng Tracosa sa may quadrangle at bumilog habang nasa gitna si Abby.
"So guys, it's lunch time na. Time check is 11:45 am. Babalik lahat ng 1pm dito ulit sa quadrangle. Ang next na gagawin natin si last scene para sa music video. Madali ang konti na lang ito. Maybe by 3pm ay tapos na tayo kung walang magpapasaway. Okay po ba?" bigkas ni Abby
"Opo direk!" Sigaw ng miyembro
Tumayo, bumilog at nag hawak kamay na ang lahat para magdasal ng prayer's before meal.
BINABASA MO ANG
The Sunset Is Beautiful, Isn't?
RomanceBook 1 Ano na kaya ang susundin niya? Ang planong nabuo sa isipan niya o ang planong biglang nabuo sa puso niya?