Kabanata 7

0 0 0
                                    

Nabura

"Ano ba yung sinasabi ni Miss Lamayo? Ako ay umaasa tuloy. Kita mong ako yung silip ng silip sa bintana para lang masilayan ko siya. My goodness! Nababaliw na ako." bulong ni Kai sa kanyang isip habang nag lalakad palabas ng corridor

"Hoy Herrera! 'Wag mo kaming idamay sa pagka badtrip mo ngayong araw." banggit ni Miss Eugenio

Napalingon si Kai sa may faculty room at kibit balikat na patuloy pa din na mag lakad patungo sa main gate.

"Kai!" tawag ni Miss Lamayo

Napatigil si Kai sa paglalakad at hinarap ang guro

"Yes po?" tanong ni Kai

"Badtrip. Gawa ng nabura yung lahat ng picture niyo. Kaya ayun, umuwi agad para ipa reformat yung phone." kwneto ni Miss Lamayo

"Ganoon po ba? Pwede po ba na itigil na po natin ito? Tatakbo po kasi ako sa SSC. Ayaw ko pong maissue." paliwanag ni Kai

"Oo naman. Alam naman namin na may pinanghahawakan ka. Siya rin naman ay may pinanghahawakan. Di ka namin hahayaan na ma isssue. Pangako iyan." paliwanag ni Miss Lamayo

"Sige po. Kailangan na po naming umuwi." paalam ni Kai

Nagkaroon ng bagabag aa dibdib ni Kai hanggang siya ay umuwi. Una pa lamang alam na niya sa kanyang sarili na mali ang magkagusto sa isang guro. Kaya maaga pa lamang ay inaagapan na niya ito. Ngunit tila ba na maski ang panahon ay nagiging pabor sa kanyang maling nararamdaman

Amiel Raever Herrera accept your friend request

"Lord, sign na ba ito? Ano ba ito? Alam mo mga plano ko hindi ba? Pero bakit mo ginagawa sakin ito?" reklamo ni Kai habang naglalakad papunta sa terminal ng tricycle

******

Nang makarating na sa bahay ang magkapatid na sina Kai at Pong, sinalubong sila ng kanyang ama.

"Kumain na kayo doon at may luto na. Bakit kayo ginabi?" tanong ng ama

"Nakipag---" hindi na natapos amg pagsasalita ni Pong ng biglang nagsalita ang ate niya na si Kai.

"Cleaners lang ako." paliwanag ni Kai

Dumeretso si Kai sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Paglabas ng kwarto ay agad niyang kinompromta ang kapatid na bunso niya na si Pong.

"Sa susunod, kung gusto mong umuwi ng maaga, umuwi ka na. Kasi pag nanalo ako, magiging abala na ako sa school." paliwanag ni Kai

"Uuna na talaga ako. Lagi mo naman akong iniiwan at pinaghihintay." sagot ni Pong sabay punta sa hapag kainan

Hindi muna kumain ng hapunan si Kai. Dumeretso ito sa kwarto at binuksan ang social media nito.

Amiel Raever Herrera accept your friend request

"Lord, sign mo na ba ito? Hindi pa naman ako nahiling pero binigay mo na agad. Diba sabi ko, tama na? Ano na ang gagawin ko?" reklamo ni Kai habang palakad lakad ng pabalik balik sa kwarto

"Kai, kumain ka na muna nago matulog." tawag ng ama ni Kai habang nakatok sa pinto

"Saglit lang. Nagbibihis." sagot ni Kai

Matapos magbihis ni Kai, umupo ito sa kama at napaisip sa nangyayari.

"Mali ito Kai."seryosong sambit ni Kai

"Huy! Tulala ka diyan." tawag ng ate ni Kai na si Niesha.

"Bakit ka umuwi? Di pa naman Friday." tanong ni Kai

"Nabalitaan ko kasi na nag aaway na naman kayo ni Ate Kae." sagot ni Niesha

"As usual, nangingielam na naman. Wala naman siya dito sa bahay palagi." reklamo ni Kai

"Gabi ka na daw nauwi. Bakit?" usisa ni Niesha

"Tatakbo ako sa SSC. Huwag kang maingay sa kanila. Gagawa nga ako ng parent's consent. Gagayahin ko na lang pirma ni ama." kwento ni Kai

"Ikaw, napakapasaway mo. Ipaalam mo kaya kay ama. Hindi yung mag desisyon ka tapos di mo naman pala kaya. Tandaan mo, mahirap iyang strand na kinuha mo." paalala ni Niesha

"Alam ko naman. Pero gusto ko ito." paliwanag ni Kai

"Basta. Hindi ako nag kulang ng paalala sayo." sambit ni Niesha sabay lapag ng kanyang mga bagahe at inayos ito sa aparador

Hindi nag dalawang isip si Kai na sabihin amg totoo sa kanyang kapatid. Tutal siya lang naman ang nakakaintindi dito.

"Ate Niesha, may gusti akong teacher." walang pansantabing sabu ni Kai

Napatingin lang si Niesha at nilapitan ang kapatid

"Normal lang iyan. Tanda mo noong bago pa lang si Sir Chavez? Dami din na nagkagusto doon. Pero ngayon, hindi na uli matunog pangalan niya sa mga students. Pero paalala lang uli. Huwag kang aamin. Magigimg teacher mo ba?" tanong no Niesha

"Oo. Ngayon pa nga lang natatakot at naiilang na ako kasi alam na nila Miss Lamayo. Hindi naman nila ako inaasar pero pinaparamdam nila sakin na secured na ako kay Sir Herrera." kwento ni Kai

"Herrera? As in alumni ba iyan?" takhang tanong ni Niesha

"Oo. Bakit? Kilala mo ba siya?" tanong ni Kai

"Oo naman. Naging manliligaw iyan ng tropa kong si Deah nung grade 8 kami tapos siya grade 10 noon." kwento ni Niesha

"Hindi nga? Magkwento ka naman." sabik na sambit ni Kai

"Sige. Pero base lang ito sa mga naaalala ko noon. Mahilig yang si Rae sa medyo chubby tapos maputi. Parang kayo ni Dhea, pareho kayong cute. Pero hindi din sila nag tagal kasi strict parents ni Dhea tapos puro lalaki pa mga kapatid. Tapos bunso pa si Dhea at bata pa siya noon. Kaya hindi rin sila nag tagal." kwento ni Niesha

Natahimik na lang si Kai at napaisip siya na, paano kung nakita lang ni Sir Herrera sa kanya si Dhea kaya siya ito nagustuhan?

Madami ang mga agam agam na bumalot sa isipan ni Kai. Hanggang napagpasyahan na lamang niya mag sulat ng parent's consent para sa oag takbo niya sa SSC. Na isa si Mr. Herrera kung bakit niya ito gustong ipagpatuloy.

Kaya walang dalawang isip siya na gumawa ng parent's consent at desidido na ito sa desisyon niya.

Mabilis kasi ma pressure si Kai sa mga gawain kaya big deal sa kanya itong pag file ng candidacy sa SSC. Kaya para mas mag improve siya bilang tao, gagawin na niya ito dahil marami naman ang may tiwala sa kanya.

July 17, 2019

Mrs. Bernice A. Sy,

Good day!

I am allowing my daughter, Marguex Kainiesha Y. Isabedra from 11 STEM 2 to file a certificate of candidacy in Student Supreme Council with the position of Vice President.

Thank you and God bless!

Sincerely yours,

Raime R. Isabedra
Father



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sunset Is Beautiful, Isn't?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon