Kabanata 5

1 0 0
                                    

Bagsak

Pagkauwi ni Kai sa kanilang bahay, nagayos na ito ng sarili para makapag handa mag review para sa test nila sa General Mathematics bukas.

"Kamusta araw mo?" pangangamusta ng ama sa kanya

"Ayos naman." walang ganang sagot ni Kai at pumasok na sa kwarto niya

"Kumain ka na muna." aya ng ama sa anak

"Mamaya na. Busog pa ako." tanggi ni Kai at tuluyan ng pumasok sa kwarto

Habang gunagawa ng reviewer si Kai, biglang nag chat sa kanya si Miss Lamayo. Agad naman niya itong tiningnan.

Edryn Lamayo: May sasabihin ako sayo

Kainiesha Yu Isabedra: Ano po iyon Miss?

Edryn Lamayo: Nakita mo na ba yung my day ni Sir Herrera?

Kainiesha Yu Isabedra: Hindi po Miss. Hindi pa po kami friends sa Fb. Heheh

Edryn Lamayo: Ganon? Sabi ko nga sa kanya eh i-add ka na niya. Kaso nahihiya.

Kainiesha Yu Isabedra: Ano po ba yung nasa my day niya?

Edryn Lamayo: Yung picture natin as a group kanina. Hahahah. Maingat. Sinend niya ba sayo picture niyo?

Kainiesha Yu Isabedra: Hindi po Miss eh

Edryn Lamayo: Eto sabi niya, "Sabihin mo kay Kai i-add si Sir Herrera." Sabi pa nga sakin eh bugaw daw ako

*Edryn Sent a photo

Edryn Lamayo: Iyan yong picture niyo hahah

Sinend ni Miss Lamayo ang isang litrato ni Sir Herrera at Kai

Kainiesha Yu Isabedra: Maraming shots po diba ito? Nasaan na yung iba? Hahahah

Edryn Lamayo: Nahihiya na nga isend sayo. Hingin mo daw muna. Hahahha. Nagagandagan talaga yon sayo. Nahihiya nga pag sinasabi ko sayo na nagagandagan siya sayo.

Kainiesha Yu Isabedra: Hay Nako Miss. Papasa na ata ako sa quiz namin sa GenMath

Edryn Lamayo: Hahahah. Pasado na ba? Sige mag aral ka muna dyan bago ka kiligin

Kainiesha Yu Isabedra: Sige po Miss. See you po bukas

Edryn Lamayo: Nga pala. May balak ka bang tumakbo sa SSC? Open na for filling

Kainiesha Yu Isabedra: Pinagiisipan ko pa po Miss. Hindi ko pa po kasi gamay ang Senior High School

Edryn Lamayo: Hay Nako. Kaya mo yun

Kainiesha Yu Isabedra: Malaman po Miss
Hehehe

Nagpaalam na sila sa isa't isa at ibinaba ang sistema sa pagaaral si Kai. Kahit sa kanyang looban, siya ay kinikilig at natutuwa sa nangyayari. Ngayon lamang kasi siya nag karoon ng taong nagkakagusto sa kanya. Hindi tulad ng ibang pagkakataon na siya ang nag kakagusto. Kaya masasabi niya na si Sir Herrera ang unang lalaki na nagkagusto sa kanya.

The Sunset Is Beautiful, Isn't?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon