1

8 0 0
                                    

Yeeyyy. Excited ako ngayon kasi magbabakasyon kami ng pamilya ko. Nasa kwarto ako ngayon and hinahanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko. It is going to be a 3 day vacation sa Baguio. Perfect, kasi ang init ngayon dito sa Manila. First time ko lang pupunta sa Baguio kaya excited ako. Naglagay ako ng mga winter "ootd" sa maleta ko. Hindi ako sanay sa malamig eh kaya sinigurado ko na perfect sa klima ang mga susuotin ko pero stylish din. Balita ko malamig talaga roon parang winter.

Pagkatapos kong mag impake, bumaba na ako at dumiretso sa dining area para mag breakfast. Nakaupo na roon sila mommy, daddy, at ate. Umupo ako kaagad kasi nagugutom na ako. Kumuha ako ng toast bread, egg, at hotdog.

"Amarie, congratulations for being the top of your class" sabi ni daddy habang naka ngiti sa akin. Napangiti rin ako sa sinabi niya.

"Thank you daddy. Beke nemen may pa regalo tayo diyan" I smiled mischievously.

"Actually, I have." Nilabas niya ang box na may picture ng phone. Kaya alam ko na ang laman nito. Mas lalong lumaki ang ngisi ko sa mukha.

" Omg yeeyyyy. Thank you daddy!" Tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi.

Tiningnan ko ang phone at hindi na napigilan ang pag tili "Waahhh, Iphone! Thank you so much". Ito yung bagong release na Iphone 7. Kaya naman sobrang saya ko.

"Syempre meron din si Amarrah kahit hindi nag top ng class. Ang importante pasado ang grades" ngumiti si mommy kay ate. Lumaki rin ang mata ng ate ko at naghihintay kung ano regalo sa kaniya.

"Weehhh tologo bo" sarkastikong sabi ni ate. Siguro hindi niya ineexpect na kagaya ng gift ko.

Inabot din ni mommy ang cellphone, same lang din ng akin. Pero black ang sa kaniya at red ang akin. My sister is happy too. We are both happy. They are always fair sa amin. Kung anong meron ang isa, meron din ang isa. Kaya wala kaming inggitan.

Hindi naman kami masyadong mayaman, sakto lang para makapag-aral, makapag-bayad ng bills, makabili ng mga gusto, at makapag bakasyon.

Ang daddy ko ay corporate lawyer at si mommy naman nag aasikaso ng grocery store namin. Kaya naman, kaya nilang ibigay ang mga pangangailangan namin.

"By the way, ready na ba ang mga gamit niyo for tomorrow? Make sure na yung dadalhin niyo ay angkop sa klima ng Baguio" pagpapaalala ni mommy habang kumakain kami. Tumango nalang kami ni ate.

"Tsaka kasama natin bukas ang pamilya ng tita Liezel niyo." Bakas ang excitement sa mukha ni mama.

"Sino yan?" Tanong ni ate.

"Close friends namin ng daddy niyo. Matagal-tagal na kaming hindi nagkikita- kita because they live abroad. Kakauwi lang nila para magbakasyon kaya inimbita namin na sumama sa Baguio para makapag-bonding at para makilala niyo rin ang mga anak niya" paliwanag ni mommy.

"Ahhh okayyy." Sabay pa kami ni ate.

"Actually, noong bata pa kayo ay kalaro niyo yung anak nilang lalaki. Di ko lang alam kung naalala niyo pa kasi 6 or 7 years old palang kayo noon" natatawa pa si daddy na kinikwento iyon na para bang may naaalalang nakakatawang pangyayari. Napaisip ako na para bang maaalala ko ang mga pangyayari. Pero parang may natatandaan ako noon kaso hindi ko na maalala ang mukha.

"I hope you'll get along, and i-entertain niyo yung anak niya kasi walang kaibigan dito" sabi ni mommy. Of course we'll get along! Mahilig akong makipag kaibigan pero kung bago palang medyo awkward lang. Pero go lang, baka naman pogi. Charot.

Natapos na kami mag breakfast at nag kaniya-kaniya na ng gawain. Umupo lang ako sa sofa sa sala habang ini-explore ang bagong phone. Ganun din si ate na nakaupo sa upuan sa harap ko. Pa selfie-selfie lang din kami gamit ang new phone.

It Could Be Us (Why do People Cheat? #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon