2

8 0 0
                                    

Finally! Mamamasyal na kami today. Pinipilit kong alisin sa isipan ang nangyari kagabi. Sana lang talaga hindi niya nakita. Basta bahala na. Ang importante nakapag send ako ng picture sa gc. Kinikilig pa ang mga gaga at todo suporta sa akin.

Pupunta daw kami sa Diplomat Hotel ngayon. Marami akong naririnig na kwentong nakakatakot doon. Wala naman akong takot na nararamdaman, marami naman kami eh. Tsaka kasama ko ang ate ko. I'm sure magkasama kami palagi.

Nasa kwarto pa ako ngayon pero si ate bumaba na kanina pa. Medyo matagal ako kasi pinipili ko pa ang aking "ootd". Pinili ko nalang mag white longsleeves na turtle neck at black cropped leather jacket. Tapos nag fitted denim jeans. Sinuot ko rin ang favorite kong black boots, below the knee lang ito. Nag lagay ako ng tinted sunblock at nag liptint. Sinuot ko rin ang beret cap na black.

Paglabas ko ng kwarto ay napatingin ako saglit sa pinto ng kwarto ni Joshua. Wala siya roon. Naisip ko na naman ang nangyari kagabi.

Sana lang talaga hindi niya nakita. Kung hindi mapapahiya ako. Bahala na.

Pagbaba ko, ako nalang pala ang hinihintay. Nakakahiya kila tita Liezel. Si Joshua tahimik lang na naglalaro ng kung ano sa cellphone niya. Si ate naman nakikipaglaro kay Kesha. Wow close yan?

Sumakay kami sa white van nila tita Liezel para kasya kaming lahat. Si tito Marco ang nag drive. Hindi sumakay si tita Liezel sa shotgun seat kasi mag chi-chika daw sila ni mommy kaya si daddy nalang ang umupo roon para mag-usap sila ni tito Marco. Sa first row si mommy at tita. Sa second row si ate at Kesha kaya tumabi ako sa kanila kasi kasya tatlong tao per row. Gitna namin si Kesha at dito ako nakaupo sa chair na tinitiklop kapag dadaan yung nasa likuran. Sa totoo lang ay hindi ako komportable dito kasi mababa ang sandalan. Di ko tuloy masandal ang ulo ko huhu. Sa last row naman ay si Joshua lang mag-isa. Naka headphone lang siya sa likod habang tumitingin sa paligid.

Boses lang ni mommy at tita ang nangingibabaw sa van na ito. Pati na rin si ate at Kesha na kanina pa nag aasaran. Vibes sila 'no? Sa harapan naman nag-uusap din si daddy at tito Marco. Ako lang ang walang kausap tsaka si Joshua na tahimik lang sa likuran. Kaya nag cellphone nalang din ako. Tiningnan ko ang gc namin, wala naman masyadong ganap.

Ang tagal naman makarating doon. Excited na ako mag picture-picture. Sana lang walang sumama na multo huhu.

"Mommy I'm thirsty." Sabi ni Kesha sa mommy niya at nag pout pa.

"Ok baby. Wait lang ha, bili tayo kapag may madaanang store, ok?"

"Ok mommy" naka pout pa rin. Ang cute!

Nang may madaanan kaming convenience store ay huminto muna kami. Inutusan ni tita si Joshua na bumaba at bumili ng tubig doon.

"Josh ikaw nalang bumaba to buy water. " tugon niya kay Joshua. "Kayo girls, mare? Wala ba kayong ipapasabay?" Tanong niya sa amin.

"Ako wala pong bibilhin" sagot ni ate.

"Ako rin wala po" sagot ko rin. Wala naman akong naiisip na gustong bilhin.

"Uhmm excuse me" narinig ko ang malalim na boses ni Joshua sa likod ko. Nakatayo siya habang nakayuko at hinihintay akong umusog muna para ma tiklop ang inuupuan ko. Napausog naman ako bigla sa kinauupuan nina ate at Kesha. Tiniklop na ni Joshua ang upuan at lumabas na nang van.

Pagbalik niya ang dami niyang dala, eh tubig lang naman ang pinabili sa kaniya. Transparent ang plastic kaya nakita ko ang mga laman nito. Mga tubig at snacks. Meron ding mogu-mogu. Nang makita ko 'yon parang gusto ko tuloy ng mogu-mogu.

"Oh bakit ang dami mong dala?" Nagtatakang tanong ni mommy nang makita na maraming dala si Joshua.

"Just in case someone wants a drink or a snack, tita" ngumiti siya kay mommy. Ang ganda ng mga ngiti niya, mas lalo lang siya naging pogi kapag ngumingiti. Pumasok na siya sa van ngunit huminto sa harapan ko. Hala ba't siya nasa harapan ko? Napatingin sina mommy at tita sa akin. Pati na rin si ate natatawang tumingin sa akin.

It Could Be Us (Why do People Cheat? #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon