|-Flower Shop-|

7 3 0
                                    

It's raining.

*sigh*

Kung kailan naman ako may blind date tsaka pa umulan.

"Bakit kase di ko dinala yung payong ko. Hayst." mahinang sabi ko tsaka pumasok sa isang flower shop.

'Ito nalang masisilungan ko.' sabi ko sa utak ko.

"Hello ma'am, good morning." masayang bati sa akin ng isang babae.

Siguro eto yung may ari ng flower shop.

Ginantihan ko na lamang sya ng ngiti bilang sagot saka ipinagpatuloy na ang pagpasok sa shop.

"Hmm, ang bango." sabi ko habang inaamoy ang mga bulaklak.

"Does it smell good?"

Bigla akong nagulat ng biglang may nagsalita sa likod ko.

I can feel a cold aura.

"Y-Yeah... Smells g-good. Hehehe." utal-utal sa saad ko.

"Uhuh. That's my favorite flower." sabi nito saka kumuha ng isang piraso nito.

"Excuse me miss. I'll take this one." sabi nito.

Hindi ko na lamang sila pinansin at lumipat na lamang ako sa kabila upang tumingin pa ng mga bulaklak.

"Ambabango." masayang sabi ko.

Lumingon-lingon pako upang hanapin yung lalaki kanina ngunit hindi ko na nakita ito.

Hayst.

Nilapitan kong muli yung bulaklak kanina upang bumili ng isang bouquet.

"Ang bango talaga. Excuse me mi--"

Naputol ang aking sasabihin ng biglang may naglagay ng bulaklak sa likod ng tenga ko.

"It's for you." sabi nito bago tumalikod.

'Ano na self? Di ka ba magsasalita?' tanong ko sa sarili ko.

Bago pa sya makalabas ay lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Terrence." sabi nito sa akin bago tuluyan ng lumabas ng shop.

"T-terrence? Pangalan nya k-kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.

"Excuse me ma'am, tinatawag nyo po ba ako?" pasulpot na tanong ng may ari ng shop.

Tinanguan ko ito. "I'll take this po." sabi ko dito saka inabot ang bulaklak na hawak ko.

'Terrence.'

'Terrence.'

'Terrence.'

'Terrence.'

'Terrence.'

"Here's your flower ma'am. Thank you." abot sa akin nito.

"Thank you." sabi ko saka lumabas na ng shop.

"Uh? Di na pala umuulan..?" sabi ko habang nakasahod ang palad sa ere.

"Haay~"

Itatali ko na sana ang aking buhok ng biglang may nahulog.

'Yung bulaklak...'

Nakangiti ko itong pinulot.

Naglakad na ako papunta sa estasyon ng bus ng bigla akong may maalala.

'Terrence.'

Oh ghad!

Terrence is my old roommate!!!

Natataranta akong tumakbo pasakay sa bus dahil paalis na ito.

*cring cring*

"Hello?"

["It's been a while, Kaylee. Looks like you already forgotten me."]

"Terrence..?" gulat na sabi ko dito.

THE END

Random Short StoriesWhere stories live. Discover now