|-Suicidal-|

1 1 0
                                    

⚠Sensitive Words might trigger you⚠

"I hate you! I want you to disappear!"

"I hope you weren't born!"

"Kasalanan mo 'to!"

"Umayos ka nga! Nakakahiya ka!"

"Tunayo ka nga d'yan, wala ka nang naitulong."

"Hindi ah! Di ko yan kaano-ano. Nakikitira lang yan sa bahay."

"Puro ka nalang kahihiyan!"

"Lumabas ka d'yan, maglinis ka daw ng bahay sabi ni mama."

I'm so tired.

Lagi nalang ganito.

Sana nga hindi nalang talaga ako pinanganak sa mundong 'to. Pagod na pagod nako.

Nakakarindi na, paulit-ulit sila.

Pagod na din akong umiyak.

I'm tired of being kind too.

They didn't know what I'm dealing with now.

Tiniis ko. Pero lumalala, lumalala lang din ang lagay ko.

Di ko naman ginusto 'to ah. Di ko naman hiniling na ipanganak sa mundo. Pero bakit ganito?

Akala ko mamumuhay ako ng payapa.

Pero hindi pala.

Lumalala lang yung anxiety ko.

Nade-depressed nako.

Ayoko ng mabuhay.

I wanna die...

HAHAHAHAHHA I wanna die!!

Agad kong kinuha sa tabi ng kama ko ang isang garapong pills.

'Sleeping Pills'

Agad kong nilaklak ang isang garapong pills nang walang tigil.

Kulang pa 'to.

Di naman ako agad-agad mamamatay nang dahil lang sa pills.

"Hoy kanina ka pa tinatawag ni mama, bumaba ka na ng—"

Agad akong tumakbo sa baba upang kumuha ng kutsilyo at itinago ito sa damit ko.

"Hoy Janivah ano ba?!" galit na sigaw ng kapatid ko.

"Get out." sabi ko at tuluyan s'yang itinulak palabas at ini-lock ang pinto.

*Knock knock!*

"Hoy ano ba?!" sigaw nito sa labas ng pinto at walang tigil na kumakatok.

"Pabayaan mo na nga yan! Wala nang nagawang maganda yan eh! Nabubwisit lang ako!" sigaw ng isang babae sa ibaba.

'Inaantok nako.'

Agad kong inilabas ang kutsilyo mula sa aking damit at saka hiniwa ang aking pulso.

Ang sakit. Pero mas masakit padin ang mga pinagdaanan ko sa loob ng 16 na taon.

Kumuha ulit ako ng pills at nilaklak 'yon.

"Salamat sa lahat.." nakangiting wika ko saka tuluyan nang pumikit.

Hanggang sa muli.. Paalam...

1 hour later

*Knock Knock!*

"Hoy Janivah bumaba ka na d'yan at magluto!" pasigaw na utos ng kapatid ni Janivah sa may pinto.

"Hoy!!" sigaw ulit nito nang walang sumasagot.

"Mama! Si Janivah ayaw bumaba!" maarteng reklamo naman ng isa pang kapatid ni Janivah.

"Teka nga ako na." sabi naman ng mama nila at umakyat.

*Knock knock!*

"Hoy p*tanginamong bata ka lumabas ka nga d'yan!" galit na utos nito habang walang tigil na kinakatok ang pinto ng kwarto ng anak.

"Hoy Janivah lumabas ka na nga d'yan! Nagagalit na si mama!" kunsinti pa ng isa.

"Hoy Janivah! T*ngina talaga nitong bata na ito! Alicia kunin mo nga iyong susi sa baba." sabi nito sa isa n'yang anak.

"Here." sabi ni Alicia sabay abot ng susi sa kan'yang ina.

*click click*

"Hoy Janiv—"

Laking gulat nilang mag-iina ng mabuksan ang pinto ng kuwarto.

Agad namang napatakbo sa gilid ni Janivah ang kan'yang ina.

"J-Janivah a-anak, naririnig m-mo ba a-ako?" nanginginig na wika ng kan'yang ina habang inaalog ang katawan niya.

"Janiva.."

"A-Ate..."

"Tumawag kayo ng ambulansya dali!" umiiyak na wika ng kanilang ina na agad din nilang sinunod.

"Janivah anak... Patawarin mo kami... B-Bakit ka naman umabot sa ganitong sitwasyon?" umiiyak na sabi ng kaniyang ina.

"M-Ma, padating na yung ambulansya." naiiyak na wika ng kaniyang anak na si Alicia.

"Ate! Bakit mo kami iniwan?" umiiyak na sabi ng kapatid na bunso ni Janivah.

Nang dumating ang ambulansya ay agad nila itong isinakay sa sasakyan papuntang ospital ngunit patay na ito.

"Patawad... anak ko.." wika ng kaniyang ina habang hawak-hawak ang walang buhay na katawan ni Janivah.

The End

Random Short StoriesWhere stories live. Discover now