|-STALKER-|

6 1 0
                                    

I was walking in the street when someone bumped into me.

"Uhh, sorry." paghingi nito ng paumanhin.

Somehow, his gaze feels weird.

Tinanguan ko nalang ito bilang sagot saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Ang weird.

Parang nakita ko na yung lalaki na nakabangga ko nitong mga nakaraang linggo.

Nagkibit balikat nalang ako at saka isinuot ang aking earphones.

±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±

MALL

Another boring day.

Ugh!

Bumangon na ako sa aking kama at dumiretso sa cr upang gawin ang aking morning routine.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina.

"Uh-oh. Ubos na pala yung stocks ko."

Nakakatamad maggrocery. Hayst.

Umakyat nalang ako para kunin yung wallet at susi ko.

Nang makuha ko ang aking susi at wallet ay agad ko ng ini-lock ang pinto ng dorm ko saka umalis na papunta sa mall.

±±

Nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng mga gulay ng biglang may kumalabit sa akin kaya nilingon ko ito.

"I think this is yours. You dropped this on the floor." sabi nito sa akin saka inabot ang aking wallet.

Ghad, muntik ko ng maiwala yung wallet ko.

Ibinulsa ko na ito saka nilingon ulit yung nag-abot na lalaki sa akin.

"Thank you." pagpapasalamat ko sa kan'ya.

±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±

RESTAURANT

"Here's your order ma'am." sabi nung waitress na ngayo'y naglalagay ng pagkain sa aking lamesa.

Nang mailagay na n'ya lahat sa lamesa ay umalis na ito kaya agad ko ng nilantakan ang aking mga inorder.

"Excuse me miss, look at the boy behind you." sabi ng katabi ko sa kabilang lamesa kaya agad ko itong tiningnan.

"Sino? Andaming lalaki sa likod." sabi ko sa kan'ya.

Pasimpli s'yang lumapit sa akin at may itinuro.

"Ayun oh, I think kinukuhaan ka n'ya ng pictures. Actually napansin kong kanina pa s'ya jan nag-aantay. Tapos nung dumating ka bigla syang umayos ng upo tas naglabas ng camera. I don't know if you're the one that he's taking pictures nga." bulong nito sa akin.

"Hindi naman siguro ako yun. Madami din akong kasabay na pumasok kanina eh." sabi ko nalang sa kan'ya at pinagpatuloy na ang pagkain.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi n'ya.

±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±

HOSPITAL

"Here's your result ma'am, sabi po ni Doc nakasulat na po dyan yung mga kailangan nyong inuming gamot. Busy daw po kase sya kaya di na nya kayo naasikaso." sabi sa akin ng Nurse sa may counter.

Random Short StoriesWhere stories live. Discover now