CHAPTER 23

1.8K 44 0
                                    

ALEXANDRÌA GIOVANNA

Natatawa ako habang naglalakad kami ni Chandra papasok sa condo unit naming dalawa. This floor is owned by Sylvester Damon De Tierra. May tatlong room; magkasama kami ni Chandra sa isa, sa mga boys naman iyong isa at kay Sylvester naman iyong isa.

Napatigil ako sa pagtawa nung mapansin ko na nandidito ang mga magulang ni Sylvester at sina Dr. Brooklyn. Napaatras ako nung lumingon sila sa amin ng sabay-sabay.

"A-ano...labas lang ulit kami hehe," sabi ni Chandra at ako na ang naunang humila sa kaniya palabas pero pinigilan kami ng tatay ni Sylvester.

"Binisita lang namin si Sylvester," sabi sa amin ni Mr. De Tierra kaya una akong humarap sa kanila. "Lalabas lang po kami para magkaroon kayo ng private space," saad ko at ako na ang nagbukas.

"Hindi mo man lang babatiin ang nanay mo?" pangaasar ni Chandra sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up," I hissed. Binutasan ko na ang milk tea na binili ko kanina sa labas gamit ang straw. Malamig-lamig pa at sakto dahil nagsisimula na namang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi ni Chandra.

Nakatambay lang kaming pareho ni Chandra sa may balkonahe ng floor na ito, this is the same balcony I had confrontation with Sylvester and his asshole friends. "Bakit kaya sila pumunta dito? Iyong pamilya nila eh mukhang hindi ganon ang kanilang style na bibisita," sabi ni Chandra at nagkibit-balikat ako.

"Alamin mo kung gusto mo," I said to her at sumipsip sa iniinom ko. Ayoko sa tapioco pearls dahil nangangalay ang panga ko sa pagnguya. "Hindi ba kayo magkakaayos ni Sylvester, Giovanna?" tanong niya sa akin at napatingin ako sa kaniya.

"Maayos naman kami," I said to her and she shook her head. "Oo na lang. Problema na ni Sylvester kung paano makikipagayos sayo," sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Huh? Maayos naman kami, we are civil to each other naman," saad ko sa kaniya at tumango na lamang siya.

"Uh excuse me?" sabi ng isang babae sa aming likuran kaya sabay kami ni Chandra na tumingin dito. She looks familiar, I think I saw her inside awhile ago. "Yes, what can we do for you?" Chandra asked her.

"Sino po iyong...ano si Ate Giovanna?" tanong niya sa amin. "Ako, bakit?" tanong ko at siniko naman ako ni Chandra. "Bakit ba?" naiirita kong tanong sa kaniya.

"Gaga ka! Ang angas mong magtanong eh kita mo namang bata iyang kaharap mo," sabi niya sa akin at tumingin ako sa dalagang nasa harapan namin. She looks beautiful and innocent wearing her white dress. "Hinahanap ka po ni Mama, Ate," sabi niya sa akin at nangunot ang noo ko.

"Mama raw baka si Dr. Brooklyn?" tanong ni Chandra sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. "Sinong mama mo?" tanong ko sa kaniya. "Si Brooklyn po, Ate," sagot niya sa akin at palihim akong umirap.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Sylvester at si Chandra naman ay nasa loob ng aming kwarto. "Giovanna, may lamang pagkain itong mga tupperwares na ito, ang gagawin niyo na lang ay iinit ito. Sa iyo ko na lang ibibilin ang mga ito na kakainin niyo dahil wala akong aasahan kay Sylvester," sabi ni Dr. Brooklyn kaya nagtawanan ang ilan sa kanila pero hindi ako dahil hindi ako natutuwa sa kanilang lahat.

"Noted, Dr. Brooklyn," I said and she nodded. "I hope you are doing fine here, a—Giovanna, tell me if you need something, all right?" bilin niya at napatingin ako sa batang nasa tabi nito na siyang tumawag sa akin kanina ay huminga ako ng malalim saka tumango sa kaniya.

Ayoko namang magsalita ng kung ano-anong maaaring makasakit ng damdamin ngayon alang-ala na lang sa batang nakikinig sa amin ngayon.

"Ate, sabi po ni Mama, ate raw po kita," biglang sabi niya kaya napatahimik kaming lahat at tila naaligaga naman si Dr. Brooklyn.

Hearts and Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon