╰┈➤ ❝ [mga hayop sa section ni satanas.]
Third Person POV
Section A, kung saan ang mga estudyante ay parang mga hayop sa kulungan.
Odiba? Unang sentence palang sa istorya alam na alam na ang section A, pero syempre, sino ba ang mga estudyante sa section na ito?
Well first of all, every morning, imposibleng walang magaganap na kaguluhan, sigawan, murahan, at puntahan sa guidance, at oo, araw araw.
At syempre, ang mga pasimuno dito ay sila Baji, Chifuyu at Hanma, sila ang dalawang class clown na pag pasok mo sa eskwela, sila agad ang bubungad sayo, it's either hihingian ka ng baon, magpapasagot ng assignment, o kaya bubugbugin ka sa school hallway kung may nabangga ka sakanila.
Isa rin dito sila Mikey, Draken, Takemichi, Pah chin, at Kazutora, alam niyo yung tipong araw araw nagpapalit mga ugali nila? Jusko, parang kahapon lang hindi sila naguidance, tapos kinabukasan isa sila sa mga top 10 highest score sa quiz.
Well... hindi naman napilitan si Takemichi... mga slight lang.
At syempre, sila Smiley at Angry, ang dalawang magkapatid na may dalang ngiti sa section A, syempre mababait yan, mala good boy, huwag mo nga lang paiyakin yung isa.
Shet. Sanzu, Kakucho, Ran, Rindou, at Koko, na kapag dumadaan sa hallway? Ang maririnig mo lang ay mga tili ng mga babae, I mean, what else do we expect from these men?
"Okay lang kahit bumagsak, basta pogi, right, ladies?" Sabi ni Sanzu.
Hindi rin mawawala ang mga babaeng mala model, yung tipong pag pasok mo sa classroom, ang una mong maaamoy ay ang kanilang mga malalakas na amoy na pabango, onti nalang magiging hazardous room itong classroom eh. Syempre, ginagawa ring salon, patago tago sa likod ng mga upuan habang nagdidiscuss ang titser para lang itali ang mga buhok, magmake up, at mag selfie, at eto sila Emma, Hina, at Senju.
Well... hindi rin naman napilitan si Senju tulad ni Take... mga slight lang.
And last but not least, si Mitsuya Takashi.
Isang star student, top notcher, top 1, palaging nakakuha ng mataas na marka sa exam, laging number 1 sa mga poster sa school hallways, laging nasa bulletin boards ang pangalan, laging naboboto sa student council, at siya rin ang presidente ng class A.
Hindi lang ito, maraming babae rin ang humahango kay Mitsuya, kasama rin siya sa magbabarkadang sila Ran.
But unfortunately, he's those types of guys na... cold.
Yung tipong kapag papasok sa school, uupo lang sa kanyang upuan at ilalabas ang libro, at umiimik lang kapag may kakausap sakanya, simpleng tingin o tango lang kapag may nagcoconfess sakanya, and those letters, chocolates, and stuffed toys that he receives on Valentines day? Halos maging storage room na ang kaniyang bag, kaya nga minsan humihingi sila Mikey ng chocolates eh.
BINABASA MO ANG
Ivory • Takashi M.
Fanfiction━━━ HIGH SCHOOL SERIES #1 ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ❝ There's always ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ a shade of ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ivory in rivalry. ❞ ━━━━━━━━━━━ ˗ˋ ୨୧ ˊ˗ ━━━━━━━━━━━━ People say that in every class, there is always a student who is number one in everything, a to...