Begining

10 1 0
                                    

"August 14, xxxx"

"Shomai rice, shomai rice ako ay nagugutom gusto ko ng shomai rice" Pag kakanta ko sa paboritong kong kanta dahil binabanggit nito ang isinisigaw ng tiyan ko, maya maya pa ay natanaw ko na ang destinasyon ko.

"Woahhh sawakas nandito naren!!" Saad ko habang nag u-unat unat na bumaba ng tricycle, syempre nag pasalamat muna ako sa trayber na tito ko na si Tito Benj

Tatakbo akong pumunta gate ng isang mamlaking apartment na may anim na paupahan "Hello tao po!" Sigaw ko ng napagkalakas na ikina gulat ng mga tao sa paligid na para bang naka kita ng halimaw.

"Ay wow ngayun lang ba sila nakakita ng maganda?" Bulong ko sarili ko at sabay pasok sa loob ng gate ng apartment. Walang nag bukas ng gate e, edi ako na nag kusang pumasok kakahiya naman sa mga tao na nasa loob na nakatingin lang saakin.

Aking inilibot ang aking mga mata pag pasok ng apartment, agad namang nahagip ng aking mga mata ng aking pinsan na dito nakatira. Nang makita nya ako ay agad naman akong pinaulanan ng yakap at halik.

"Asan si tita?" Tanong ko agad sa pinsan kong si Andrea di nya ako sinagot at basta nya akong hinila papasok sa unit 1 na kanilang tinitirhan.

"Infairness maganda naman dito" Ngumiti ang pinsan ko at ipinorma ang kamay nya at nag simulang mag kwento hindi sya nakakapag salita dahil meron syang kapansanan o wala, limang taong gulang na sya ngunit ubod ng talino as in mas matalino pa saakin.

"Alam mo ba ate Trin, si Kuya Gab may kalaro na agad dito nahihiya nga ako e, pero babae yung kalaro ni kuya parang kasing tanda mo lang sya, dun pala sya nakatira sa may unit 2 yung madaming fruits." Magiliw akong napatango napag kadaldal talaga nito ni Andrea kahit hindi ko man alam ang kaniyang tinig ngunit na iimagine ko na kasing ganda ng kanyang itsura ang boses nya, like me Ha ha.

"Teka Andrea asan si Gab? Pupuntahan ko mag papasama lang ako dun sa bibwit nayun, kase bago ako pumunta dito may hinabilin si tita na bumili ako ng tinapay sa bakery na malapit dito kase u know baka gutom na daw kayow at syempre ako noh." Ngiti ang isinagot nya at tyaka nya itinuro ang direksyon ng unit 6 duon sa may taas.

Agad naman akong tumaas sa may hagdanan patungo sa kinaruruonan ng panget kong pinsan na si Gab.

Bago ko pa man ako makataas sa pinaka second floor ay may naka salubong akong matanda na sa tingin ko ay nasa edad 50+ ha ha na may kasamang napagkatangkad na gwapong lalake. "Wow ang bait saakin ni lord ah, wala pa naman akong nagagawang tama may reward na agad ako HAHAHAH" Bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko namn yung matanda at bumati para naman maka checkpoint ako kay pogi. "Hello po, Good afternoon." Ngiti-ngiti kong bati sabay kamot ng batok kase parang di ako pinansin.

Goshhh! Pahiya points ako sa apo nya.

"Oh magandang hapon sa iyo ija napag kaganda mo namang bata, bagong lipat kalang ba dito? Ngayun lang kita na kita ah." Mahinhin na tanong ng lola, mejo nagulat naman ako. Akala ko kase deadma lang ang lola muntik naako mapahiya dun ah at tyaka anong sabe maganda daw ako?? Naku lola sperm palang ako alam na.

Napangiti naman ako ng wagas at sumagot. "Ah opo opo, Lola. Kakalipat lang namin dito, dun nga po pala ako nakatira unit 1. Uh by the way high way lola ako nga po pala si Clarita Trinidad Mojica, Trin for short kase masydong makaluma kung Clarita e. decades years of age at naniniwalang sa kasabihan na mag boyfriend ng pogi para sulit!" Napatango nalang si lola cuz i think 'The woman is to stunned to speak!' jok lang baka na sa isip ni lola adik ako.

Napansin ko naman na ngumiti ang kasama nyang gwapong binata HA HA ang pogi!! Na inlove na ata ako!

"Hahaha nakung bata napaka loko. Papaano ija mamauna na kami, kami ay mamimili ng prutas at gulay sa palengke dahil tuwing hapon ay nag mumura ang mga prutas at gulay, at ngapala ija dun kami nakatira unit 6 baka maging maibigan mo maging kaibigan ang aking mga apo" Ani ni lola at tyaka naglakad na patungong baba kasama ung lalakeng poging matangkad, tinitigan ko yung kasama ni lola kanina tyaka nag tungo kung nasaan ung pinsan kung panget.

If it's nothing that seriousWhere stories live. Discover now