FIVE YEARS LATER
"Huy!" Pag gulat ni Andrea sa nakatulalang si Allegra slash Ava
Napayundag naman ito saka pinukulan siya ng masamang tingin "Ikaw talaga wala ka ng ginawang iba kundi ang gulatin ako!" Pagalit naman nito pero tinawanan lang siya ni Andrea
Kung hindi niyo siya natatandaan, well si Andrea ang dating PA ni Ava nung panahong Model pa siya at ito rin ang tumulong sa kanya para magkaroon ng bagong katauhan
"Sorry naman, ikaw naman kasi lagi ka nalang nakatulala" she laughed
Bumuntong hininga si Ava saka malungkot siyang tinignan "Eh paano ba naman kasi, na-reject nanaman ako don sa pinag-apply-an kong kompanya, nakakainis na nga e!" napalakas ang boes nito kaya agad na napatingin ang mga tao sa paligid nila
But Andrea doesn't seem to be bothered dahil mas tumawa pa ito "Eh paano ka ba naman kasi tatanggapin kung ganyan ang itsura mo?" Loko lokong sabi nito dahilan pra kumunot ang noo ni Ava
She then looked at herself, anong mali sa'kin?
"Walang mali sayo kung yan ang iniisip mo...what I mean is, hindi ka talaga matatanggap kung ganyan ka manamit, alam mo Av-I mean, Allegra, dito sa pilipinas isa sa tinitignan ay ang pananamit ng isang aplikante kaya kung ganyan kang maga-apply, hindi ka talaga matatanggap" paliwanag nito but she just rolled her eyes
Wala naman kasing mali sa suot niya e! Oo at may pagka losyang ang damit niya pero hindi naman siya nawalan ng fashion sense no, sinasadya niya lang na pangitan ang suot niya para hindi siya makilala
"Wala namang masama sa bestida ah?"
"Oo wala...pero girl, kompanya ang ina-apply-an mo kaya mag pencil skirt at blouse ka"
"Yeah whatever" Ava rolled her eyes then sips her coffee, nasa isa silang coffee shop di kalayuan sa apartment nila
Ilang segundo siyang tinignan ni Andrea bago ito bumuntong hininga "Okay sige, halika na nga!" Singhal nito making her frown
"Ha? Saan?"
"Gusto mo ng trabaho diba?"
"Oo?"
"Oh edi tara na!" Singhal nanaman nito kaya tinaasan na siya ng kilay ni Ava
Mukhang may nakakalimutan si Andrea...
"Oh ano yang tingin na yan boss? Hindi ko nakakalimutan okay? At hinding hindi ko kakalimutan...lagi kong tatandaan na ikaw pa rin ang Amo ko kaya halika na!"
*****
Makalipas ang ilang minuto ay nakauwi na sila, akala niya nga ay trabaho ang pupuntahan nila pero nagulat siya kay Andrea nang bigla itong magmaneho pabalik ng apartment
"Akala ko ba may pupuntahan tayo?"
"Oo meron nga...pero bago yon, kailangan mo munang mag mukhang presentable" pagkasabi niya non ay dere-deretso ito sa kwarto niya saka binuksan ang cabinet tapos nagsimulang maghalukay ng damit
"Ano ba iyang ginagawa mo?! Ginugulo mo ang damit ko!" Pagalit nito pero hindi nakinig si Andrea at basta naghalukay lang ng nag halukay
Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay sumuko na ito
"Ayoko na! Bakit ba kase ako naghanap sa mga gamit mo e sure naman akong tinapon mo na ang mga magaganda mong damit!" Singhal nanaman nito saka tumungo naman sa sariling kwarto at doon naghanap, at nang matapos na siya ay winagayway niya sa mukha ni Ava ang damit na nahanap niya

BINABASA MO ANG
His Monster (SAMPLE)
RomanceMistress, kirida, other woman, kabit Pagbali-baliktarin mo man ang mundo at kahit saang anggulo mo man tignan, That's what she is...a Paramour. Pero matatawag mo nga bang isang kabit ang babaeng ang tanging gusto lang ay masuklian ang inaalay na pa...