Chapter 4

17 0 0
                                    

"I want you to seduce my husband"


WHAT?!


Parang nabingi si Ava sa sinabi ni Bella, hindi siya makapaniwala, akala niya mabuting tao si Bella dahil yon ang pakilala ni Ian sa kanya but turns out na mas masahol pa ito sa hayop.


Come on, sino bang matinong babae ang gugustuhing akitin ng iba ang asawa mo diba??


Hindi nakapagsalita agad si Ava kaya nagpatuloy si Bella "I want you to seduce him para mas mapadali ang pakikipaghiwalay ko sa kanya...you see, si Xander yung tipo ng lalaking hindi agad sumusuko, believe me I tried to be so cold to him pero walang epekto yon, sinubukan ko ng iwan siya pero hindi naman yun gumana, kaya please pumayag kana...and besides alam kong gusto mo rin ang asawa ko" parang sampal sa mukha niya ang sinabi nito, feeling niya naapakan ang pride niya


Ano daw? Gusto ko ang asawa niya? Talagang sumosobra na itong babaeng to ah!!


"Ano bang sinasabi mo ha Bella? Dapat nga mas matuwa kapa dahil ganon ang asawa mo sayo e, dahil ibig sabihin lang non ay mahal na mahal ka niya...kaya hindi ko talaga lubos maisip na lolokohin mo siya, tapos sa kaibigan ko pa"


"You don't know everything Allegra...dahil kaming tatlo lang ang nakakaalam non, so I suggest na manahimik ka nalang bago pa ako mainis sayo at sabihin ko ang mga nalalaman ko"


"What do you mean?" She asked nervously, the way kasi na sinabi iyon ni Bella parang may nalalaman siyang hindi maganda


"Oh come on, sa tingin mo ba may itatago sakin si Ian? Mahal niya ako Ally kaya lahat sinasabi niya sakin, at kasama na don ang sikreto mo" ngisi ngisi nitong sabi dahilan para maikuyom ni Ava ang kamao niya


Hindi lang pala siya pinaglihiman ng kaibigan niya, niloko rin pala siya nito.


"Pero wag kang mag alala, hindi naman ako ganon kababang tao na gagamitin ang weakness ng iba magtagumpay lang, tsaka ayoko ring magalit sakin si Ian...kaya please, pumayag kana"


"Okay fine, pumapayag nako" Pagsuko niya dahilan para mapangiti si Bella


"Talaga? Oh my god! Maraming salamat"


"Pumapayag na ako sa gusto mong ilihim ang lahat, pero I don't think na kaya kong akitin ang asawa mo, dahil nga sabi mo diba? Mahal na mahal ka niya kaya hindi ako naniniwalang susuko siya sayo ng ganon ganon lang" agad naman nawala ang ngiti sa mukha ni Bella


"Okay fine hindi na kita pipilitin...may point ka naman e, pero umaasa pa din akong tatanggapin mo ang offer ko. Hindi ka naman mahirap magustuhan e, maganda ka...no mali, mas maganda ka sakin, mas sexy at mas edukada pa kaya Im sure na madali ka niyang magugustuhan, sana lang i-consider mo pa rin" hindi pa rin talaga makaintindi ang babaeng to!!


"Ayokong maging kabit Bella...at mas lalong ayokong manloko ng tao kaya pwede ba? Wag mo ng ipilit, kase hindi mangyayari ang gusto mo dahil may respeto ako sa sarili ko...oh siya sige na, mauuna na ako...kailangan ko pang maghanda para bukas" with that, hindi na niya hinintay ang sasabihin pa ni Bella at basta mabilis nalang na umalis sa lugar na iyon.


*****


Nakauwi na siya't lahat lahat pero ang isip niya ay nasa boss niya pa rin. Naaawa kasi siya rito sa ginagawa ni Bella sa kanya. Kahit sino naman e, talagang manlulumo ka pag nalaman mong niloloko ang isang tao.


Gusto niyang sabihin rito lahat pero sino ba siya hindi ba? Baka kapag sinubukan niyang ibunyag ang sikreto ni Bella ay siya pa ang lumabas na masama.


His Monster (SAMPLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon