He is Timothy

183 1 1
                                    

First: He is Timothy

Masiglang bati ng 'Magandang umaga!' ang bumungad kay Rishlyn nang pumasok siya ng paaralan. Ilang beses pa siyang pumikit at iniling ang ulo para masiguro ang nakikita.

Hindi kasi siya makapaniwala na binabati siya ng kaniyang mga kaklase.

Napahigpit ang hawak niya sa strap ng kaniyang bagpack. Nalaman kaya ng mga ito na birthday niya ngayon?

Maaari ngang ganun.

Napabuntong-hininga siya. Tanging sa birthday niya lang kasi nagiging mabait ang mga kaklase kahit sa dati niyang paaralan. Kaya nga siya lumipat ng paaralan eh kaso mukhang ganoon pa rin ang takbo ng kaniyang buhay.

Nangiti na lang siya at tuluyan nang pumasok ng silid-aralan. Nakatungo siyang tinutungo ang kaniyang assigned seat. Hindi naman kasi niya nagugustuhan ang mga nangyayari.

Napaangat siya ng tingin nang mapansing may nakaupo na sa katabing silya. Si Timothy!

Tulad nang naabutan niya noong unang araw niya sa nilipatang paaralan ay nagbabasa lang ng libro ang batang lalaki. Naiinggit siya dahil talagang mahilig ito magbasa kaya nga siguro napakatalino nito. Hindi naman sa bobo siya pero iba ang angking talino ng batang lalaki. Gusto niya rin kasing maging kasing talino ni Timothy.

Marahil ay napansin ng batang lalaki ang kaniyang pagtitig kaya nilingon siya nito. Malayo sa itsura nitong mukhang seryoso ang kaniyang ugali. Ngumiti ito sa kaniya.

Memories With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon